Parokya Ni Edgar
One Hit Combo
[Chorus: Chito Miranda]
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang merong katabing nagsasabing
'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na merong mangyayari
[Verse 1: Chito Miranda]
Oras na para gumawa ng panibagong
Orasyon na pwedeng kantahin ng mga gago
Tara, samahan nyo 'ko na muling maglibang
Para sa mga katulad mong nag-aalangan
Teka lang, 'di naman kailangan magmadali
Dapat lang siguro na 'wag kang magpapahuli
Sapagkat ang oras natin ay may katapusan
Kailangan mong gamitin sa makabuluhan (Pasok)
[Verse 2: Gloc-9]
Teka muna, teka muna, teka muna, teka
Katatapos ko lang isulat ang mga letra
Hampasin ang tambol at kaskasin ang gitara
Kasama ko ulit pinakamalupit na banda
Pero ngayon ay babaguhin ang tema
Ito'y awit na sasaludo sa mga nauna
Musikero, gitarero, tambulerong magaling
Kahit kanino itapat, sa'n man labanan angat pa rin (Pause)
[Chorus: Chito Miranda]
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang merong katabing nagsasabing
'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na merong mangyayari
[Verse 3: Chito Miranda]
Nagsimula kami ng mga '93
Mga batang 'di magpapigil sa pagpursigi
Mga batang 'di maawat ng mga hadlang
Sapagkat sila'y nakatingin sa pupuntahan
Namulat sa Heads at kay Sir Magalona
Alam ko sa loob ko na nagsisimula na
Sila ang nagsupply at naglagay ng gasolina
Si Kiko kay Gloc, at ang E-Heads sa Parokya
[Verse 4: Gloc-9]
Ibang klase ang Pinoy, 'pag dumating na sa tugtugan
Nagyuyugyugan siguradong hindi ka magtutulug-tulugan
'Pag narinig mo ang bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Kung ika'y samin sumasangayon ay pumalakpak
Nang malakas, itaas ang kamay, sumigaw
Para sa tatlong bituin at isang araw
Mga bata rin kami at katulad ng iba
Tagahanga rin kami ng mga kanta nila (Nice)
[Chorus: Chito Miranda]
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang merong katabing nagsasabing
'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na merong mangyayari
[Verse 5: Gloc-9]
Ang gusto lamang naming sabihin, pangarap ay laging habulin
Kahit na kinakapos ang hininga mo'y pigilin
Initin natin ang kalan para tubig kumulo
Kailangan timbain ang poso para balde mapuno
'Wag kang magpapabola sa iba hindi 'to madali
Kung merong gusto, pare, 'wag kang magmadali
Tatama ka rin kahit medyo puro mali
Ipunin lahat ng piraso kahit na hati-hati
Kasi isa lang ang tatandaan
Walang nakaharang na 'di kayang lampasan
Para 'di ka mahuli kailangan mong paspasan
Lagi mo pataliminin, ikaskas sa hasaan
Ang kutsilyo, martilyo, ang kailangan
Para palubugin lagi 'yang pako
Ikutin ang antenna kung TV ay malabo
'Wag kang matakot na tumaya ng pati pato (Kanta na)
[Chorus: Chito Miranda]
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang merong katabing nagsasabing
'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na merong mangyayari