Yumi Nu
Kahit Di Na Tayo
[Verse 1: Curse One]
Lumalalim na ang gabi, ngunit wala ka sa'king tabi
Pilit kong nilalabanan ang nakaraan
Ngunit 'di manalo dahil wala ang pag-ibig mo, giliw ko
Kung naririnig mo ang pagsamo ko
Sana'y pakinggan mo

[Chorus: Curse One]
Kahit 'di na tayo sana'y maalaala mo
Kahit 'di na tayo sana'y pakinggan mo
Ang tibok ng puso ko ay ang pangalan mo

[Verse 2: Yumi]
Alam kong hindi tama pero walang magagawa
Baguhin man ang tadhana sa ating dalawa
Limutin ka nga'y hindi ko kaya at hindi ko magawa
Giliw ko, mahal ko pakinggan mo
Ang tibok ng puso ko ay pangalan mo

[Chorus: Yumi]
Kahit 'di na tayo sana'y maalaala mo
Kahit 'di na tayo sana'y pakinggan mo
Ang awiting kong ito na para lang sa'yo

[Verse 3: Curse One, Yumi, Both]
At sa aking pagtulog, ang panaginip ay ikaw
Maging sa aking paggising, ikaw ang sinisigaw
At kung tayo'y magbalik ay ayoko nang bumitaw
Yayakapin ka, at muling isasayaw
'Pagkat ikaw ang gustong makasama buong araw
[Chorus: Both]
Kahit 'di na tayo sana'y maalaala mo
Kahit 'di na tayo sana'y pakinggan mo
Ang awitin kong ito na para lang sa'yo

[Outro: Curse One, Yumi, Both]
Ooh, eh, ooh, ooh-oh, yeah
Para lang sa'yo, kahit 'di na tayo (Para lang sa'yo)
Sana'y napapakinggan mo (Napapakinggan mo)
Ooh-ooh-oh