Al James
Sundan Mo Ko
[Intro: Al James]
Yeah, yeah, yeah, yeah, yah

[Chorus: Pio Dumayas & Al James]
Gusto mo bang sumama?
Panandalian kalimutang problema
Ngayong gabi hanggang umaga
Mapangiti man lang kita, oh, pwede ba?

[Verse 1: Pio Dumayas, Al James, Both]
'Eto na naman tayo, sumama ka nga
Pero hanap mo'y pahinga, nakatitig sa malayo
Nakatayo pero gustong nang humiga (Tanong lang)
"Bakit ba tuwing ako'y papalapit sa'yo?"
Parang 'di rin naman na andito ang isipan mo
I said, hey, 'wag magpapatalo, woah, may bukas naman tayo
Tigilan mo na nga kaya 'yang pagreklamo

[Verse 2: Al James, Both]
Halika, paikutin na nga natin ang roleta
Kahit saan na matapat, tara na rekta
Saka mo na habulin mga petsa, mga problema
Maiwanan muna, ikandado mo sa selda
Tara makipag-aliwan, makisali, makipagkulitan
Makisama, makipagbaliwan, makipaghulihan
Kung meron ka napusuan makipaghabulan
Kasi buhay parang utang araw-araw hulugan
Walang karera 'di mo kailangan makipag-unahan
Kahit planuhin mong mabuti, papalpak ka rin naman
Kung susubukan do'n lang, malalaman ang kahulugan
Kaya sige, sumayaw ka, sige, sumagad
Sige, tumalon ka hanggang makalipad
Hangga't maabot mga tala do'n sa kalawakan
Na parang mga dyamante na makislap
Kaya sige, sumayaw ka, sige, sumagad
Sige, tumalon ka hangang sa makalipad
Hangang maabot ang tama, 'di mo na nga maalala
Kung papa'no ka uli nakalapag
[Chorus: Pio Dumayas, Both]
Gusto mo bang sumama?
Panandalian kalimutang problema
Ngayong gabi hanggang umaga
Mapangiti man lang kita, oh, pwede ba?

[Post-Chorus: Pio Dumayas & Al James]
Kaya sundan mo lang ako, 'di tayo lalayo
'Wag mong isipin ang paligid mo
Dahil sa'yo na ang mundo
'Lang iistorbo sa iyo
Kaya bahala na kung magulo

[Instrumental Break]

[Chorus: Pio Dumayas & Al James]
Gusto mo bang sumama?
Panandalian kalimutang problema
Ngayong gabi hanggang umaga
Mapangiti man lang kita, oh, pwede ba?

[Post-Chorus: Pio Dumayas & Al James]
Kaya sundan mo lang ako, 'di tayo lalayo
'Wag mong isipin ang paligid mo
Dahil sa'yo na ang mundo
'Lang iistorbo sa iyo
Kaya bahala na kung magulo