Ang Bandang Shirley
Baliktad
O, aking sinta
Naaalala mo pa ba dating gawi
'Di mapakali
Nagmimistulang nakabiting patiwarik
Ngunit ngayong ika'y nasa 'king tabi
Naglalahong lahat ng guni-guni
At alam ko na bawat isang minimithi
Makakamit, unti-unti sa'yong tabi...
O, aking sinta
Pansin mo ba tila mundo'y bumaliktad
'Di maikubli
Nadaramang galak sa bawat halik
'Pagkat ngayong ika'y nasa 'king tabi
Naglalahong lahat ng guni-guni
At alam ko na bawat isang minimithi
Makakamit, unti-unti sa'yong tabi...