[Verse 1]
Oh, kahanga-hanga
Mukhang tayo'y pinagpala
Bawat oras para bang tinakda
Na mas makilala ka
[Pre-Chorus]
Isang tingin mo lang
Agad nahihibang
Kung maaari bang pabagalin ang gusto
Ipadama
[Chorus]
Hahayaan na lang ba magpadala?
Kahit na sanay na sa pag-iisa
Ano ba meron ka at 'di ko mapuna?
Sa'n nanggaling? Nahuhumaling
Sa'yo, oh-oh-oh, sa'yo, oh-oh-oh
[Verse 2]
Oh, kahanga-hanga
Mukhang ako ay pinana
Mga tala natin nagtutugma
Aba, ako'y dalang-dala
[Pre-Chorus]
Isang tingin mo lang
Agad nahihibang
Kung maaari bang pabagalin ang gusto
Ipadama
[Chorus]
Hahayaan na lang ba magpadala?
Kahit na sanay na sa pag-iisa
Ano ba meron ka at 'di ko mapuna?
Sa'n nanggaling? Nahuhumaling
[Bridge]
Sundin ang damdamin, oh
Palihim kang ibigin
Sundan ba ang damdamin?
O palihim kang ibigin?
Sundan ba ang damdamin?
O palihim kang ibigin?
Sundan ba ang damdamin?
O palihim kang ibigin?
Sundan ba, yeah?
[Chorus]
Hahayaan na lang ba magpadala?
Kahit na sanay na sa pag-iisa
Ano ba meron ka at 'di ko mapuna?
Sa'n nanggaling? Nahuhumaling
Sa'yo, oh-oh-oh (Sundin ang damdamin)
Sa'yo, oh-oh-oh (Palihim kang ibigin)
Sa'yo, oh-oh-oh (Sundin ang damdamin)
Sa'yo, oh-oh-oh (Palihim kang ibigin)