Janine Teñoso
Sandig
[Verse 1]
Pabigla-bigla, agad nahagilap
Sa'yong mga mata ang tanging hinahanap
Mukhang ikaw na nga
Ang itinalagang makasama (Ah-ah-ah)
Oh, damang-dama na ang pagsinta
Tadhana ba'ng may pakana?
'Di ko alintana
Sa iyo lang ako tumutugma (Ah-ah-ah, ah-ah-ah)

[Chorus]
Ibigin mo 'kong dahan-dahan
Dahan-dahan tayong matuto
Sasamahan sa hintayan
Ako'y sa'yo't sa akin ka
'Wag mabahala
'Lika't sumandig ka

[Post-Chorus]
Oh, oh-oh-oh
Oh, oh-oh-oh
Mm-mm

[Verse 2]
Noon ako'y kabado, ngayo'y walang takot
Nakakapanibago, hiwaga ang dulot
Ng 'yong bawat galaw, siguro nga ikaw na
Ang kaisa-isang para sa'kin
[Chorus]
Ibigin mo 'kong dahan-dahan (Dahan-dahan)
Dahan-dahan tayong matuto
Sasamahan sa hintayan
Ako'y sa'yo't sa akin ka
'Wag mabahala
'Lika't sumandig ka

[Bridge]
Damang-dama
'Tinalagang para sa'kin ka
Damang-dama
'Tinalagang para sa'kin ka
Damang-dama
'Tinalagang para sa'kin ka

[Outro]
'Wag mabahala
'Lika't sumandig ka