Lucio San Pedro
Simbang Gabi
[Intro]
Ikalabing-anim ng Disyembre (Disyembre)
Ikalabing-anim ng Disyembre (Disyembre)
Ding dong, ding dong, ding dong, ding dong
Ding dong, ding dong, ding dong, ding dong
[Verse 1]
May mga parol na nakasindi
May mga parol na nakasindi
At ang lamig ay lubhang matindi
Simula na nga ng simbang gabi
[Interlude]
Simbang gabi (ding dong ding)
Simbang gabi (ding dong ding)
Ay simula ng Pasko
[Chorus]
Simbang gabi, simula ng Pasko
Sa puso ng lahing Pilipino
Siyam na gabi kaming gumigising
Sa tugtog ng kampanang walang tigil
Maaga kami kinabukasan
Maglalakad kaming langkay-langkay
Babatiin ang ninong at ninang ng "Maligayang Pasko po"
At hahalik ng kamay

[Verse 2]
Lahat kami'y masayang-masaya
Busog ang tiyan at puno ang bulsa
Hindi namin malimut-limutan
Ang masarap na puto't suman
Matutulog kami ng mahimbing
Iniisip ang Bagong Taon natin
At ang Tatlong Haring darating sa Pilipinas ay Pasko pa rin
[Chorus]
Maaga kami kinabukasan
Maglalakad kaming langkay-langkay
Babatiin ang ninong at ninang ng "Maligayang Pasko po"
At hahalik ng kamay
[Interlude]
Ding dong, ding dong, ding dong, ding dong
Ding dong, ding dong, ding dong, ding dong
[Bridge]
Pasko na (Pasko na)
Pasko na (Pasko na)
May parol nang nagbitin
Pasko na (Pasko na)
Pasko na (Pasko na)
May parol nang nagbitin
May mga ilaw nang nagniningning (Ah, Pasko na)
May mga ilaw nang nagniningning (Ah, Pasko na)
May mga ilaw nang nagniningning (Ah, Pasko na)
May mga ilaw nang nagniningning (Ah, Pasko na)
Pasko na (Pasko na)
Pasko na (Pasko na)
May parol nang nagbitin
Nakikita na sa mga bituin (Pasko na)
Ang pagsilang ng Niño sa Belen (Ah, sa Belen)

[Outro]
Luwalhati
Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong may mabuting kalooban
Ahh, ahh, ahh