Shanti Dope
Materyal (Remix)
Chorus:
Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan dito sa ibabaw na mundo. Sabi ng mapagsamantala damdaming pansamantala na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal na di kayang tumbasan ng kahit na ano pang materyal

Verse 1(Fritz):

'Di kayang tumbasan ng kahit ano pang materyal
Nagmahal ako ng lubusan at aking sinugal
Ang lahat lahat at kagat kagat ang aking pride
Isang karangalan makasama nga kay Shanti's ride..to fame
Now i am always to blame
Makinis maputi siya pero bakit maitim
Hindi lang ang mata pati ang kanyang ugali
Kaya mga ulupong ay nagbabakasakali
Pero bakit ba
Ayaw magsalita
Kapag kasama ka
Nagtataka na nga
Ang puso kong
Nagmumukhang tanga
Ayaw mo ko panisinin at ako ngay nasusuya
Kahit nga ganun hindi nga ako magsasawa

Chorus:
Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo, karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan dito sa ibabaw na mundo. Sabi ng mapagsamantala damdaming pansamantala na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal na di kayang tumbasan ng kahit na ano pang materyal
Verse2(Fritz):
Nagdurugo ang talukap ng aking mata
Naiiyak tuwing naaalala ang iyong mukha
Nabibiyak ang puso kapag nga may kasama kang iba
Hindi na mapigilan tuwing gabi't naiisip kita
Kinuha mo ang puso ko so bale wala na
Bakit ang pagibig binabaliwala pa
Iniintay kita tuwing alas kwarto sa ating uwian
At ako ay hihingi ng isang kapatawaran
Ngunit bakit ayaw mo nga kong mapagbigyan
Iiwanan mo nalang ako ditong luhaan
Pero bakit ba
Ayaw magsalita
Kapag kasama ka
Nagtataka na nga
Ang puso kong
Nagmumukhang tanga
Gusto ko lang malaman mo na mahal kita blesselle
Iwanan man ako di magbabago nga dahil...

Chorus:
Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo, karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan dito sa ibabaw na mundo. Sabi ng mapagsamantala damdaming pansamantala na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal na di kayang tumbasan ng kahit na ano pang materyal