Shanti Dope
Imposible
[Verse 1: KZ Tandingan]
Nananahimik ako dito
Nagkakape, naka-de kwatro
Ilang linggo ng nasa kwarto
Pinto'y nakasarado't, said na ang luha ko
'Di mo ba nakikita?
Tapos na ang kabanata
Pagbukas ng bintana, nakadungaw mga tala
Lungkot ay lumisan na

[Pre-Chorus: KZ Tandingan]
Kung usapang seryoso'ng kailangan mo
Pasensya na't 'di ko maibibigay
'Wag magmakaawa, wala kang mapapala
Wala na 'kong balak magbalik at lumuha

[Chorus: KZ Tandingan]
Imposible, imposible
Sa pelikula lang 'yan nangyayari
Ang simple, gano'n lang kasimple
Hinding-hindi mabubura ang nangyari
Parang ayoko na, ah

[Post-Chorus: KZ Tandingan]
Ayoko na 'ata, ayoko na nga
Ayoko na 'ata, ayoko na nga
Ayoko na 'ata, ayoko na nga sa'yo, oh-oh-oh-oh
Imposible, imposible ang hinihiling mo
[Interlude: KZ Tandingan]
Woah-oh, oh-woah-oh, oh-oh-oh, oh-woah-oh
Oh-oh-oh, woah-oh-oh, woah-oh-oh-oh

[Verse 2: KZ Tandingan]
Tatlong oras akong sa kanto
Naghihintay na parang aso
Ilang beses na nangyari 'yon, wala na bang bago?
Nasasayang lang ang oras ko

[Pre-Chorus: KZ Tandingan]
At nalaman ko, nadulas ang barkada mo
May pinupuntahan ka raw sa may Baclaran
'Wag magmakaawa, wala kang mapapala
Wala na 'kong balak magbalik at lumuha

[Chorus: KZ Tandingan]
Imposible, imposible
Sa pelikula lang 'yan nangyayari
Ang simple, gano'n lang kasimple
Hinding-hindi mabubura ang nangyari
Parang ayoko na, ah

[Post-Chorus: KZ Tandingan]
Ayoko na 'ata, ayoko na nga
Ayoko na 'ata, ayoko na nga
Ayoko na 'ata, ayoko na nga sa'yo, oh-oh-oh-oh
Imposible, imposible ang hinihiling mo
[Interlude: KZ Tandingan]
Woah-oh, oh-woah-oh, oh-oh-oh, oh-woah-oh
Oh-oh-oh, woah-oh-oh, woah-oh-oh-oh

[Verse 3: Shanti Dope]
Kamusta, alam kong ayaw mo 'ko kausapin
Salitang ako't ikaw, bulong na lang sa hangin
'Di pa tamang panahon 'to para usisain
Katotohanang hindi na bago sa'yo 'pag inamin
Sinasalo mo lang ako kahit alam mo
Na 'di ikaw 'yung babaeng dapat ginagan'to
Kaso lang mukhang pagod ka na kakaunawa
Panahon na din yata maalalang 'di na 'ko bata
Para makipaglaro ng damdamin sa katulad mo
Paglayo na lang ba 'yung sagot sa pagkukulang ko?
Siguro nga hindi pa 'ko handa tumaya
'Di ka lang maniniwala 'pag sinabing 'di sadya

[Chorus: KZ Tandingan, Shanti Dope]
Imposible, imposible
Sa pelikula lang 'yan nangyayari (Talaga ba?)
Ang simple, gano'n lang kasimple (Ba't naman? Ba't naman?)
Hinding-hindi mabubura ang nangyari (Gano'n ba?)
Parang ayoko na, ah

[Post-Chorus: KZ Tandingan, Shanti Dope]
Ayoko na 'ata, ayoko na nga (Ba't naman?)
Ayoko na 'ata, ayoko na nga
Ayoko na 'ata, ayoko na nga sa'yo, oh-oh-oh-oh (Gano'n ba?)
Imposible, imposible ang hinihiling mo
[Interlude: KZ Tandingan]
Woah-oh, oh-woah-oh, oh-oh-oh, oh-woah-oh
Oh-oh-oh, woah-oh-oh, woah-oh-oh, ooh-oh

[Outro: KZ Tandingan, Shanti Dope]
Imposible (Baka pwede pa?)
Imposible ang hinihiling mo, ooh-woah, oh-oh