Shanti Dope
Sumpa
[Chorus: Hero]
Hindi makawala
Gusto ko nang magwala
Kahit na pakawala ka ay hindi ko magawa
Kahit walang mapapala
Aking pag-aalala
Ay wala 'kong magawa
Kundi kumapit sa sinambit mong
Sumpaan nating dalawa
Sampal sa aking makita
Na kahit 'di na masaya
Martir bang matatawag kung sabihin kong mahal pa rin kita?

[Verse 1: Shanti Dope]
'Di ko na maibalik sa dati
Yung tiwalang binigay ko sa madami
Ang paalala sa'king 'wag ako makampante
Namulata na sa daming nangyari
Ayokong balikan 'di ako ganung klase
Nadapa lang para lalong umabante
Sa karerang saan ako namalagi
Naging laruan ng pera at babae
Kaya teka kasalanan ko pa din ba
Na pati kayamanan ko gusto niyang mahalin, ha?
Oo sa mga gabing 'di mo siya makatabi
Dalawang daliri ko nasa bibig niya
Anuman ang tawag mo hindi niya madinig
Makatabi niya 'ko para siyang sumahod ng a-trenta
Pero bakit parang mahirap siyang mahalin
Pera lang ang meron ako 'tsaka pusong malamig, ah
'Yung galawan niya na 'di ko maiwasan
Maiwanan magulangan kapag bayaran usapan
Baka yun din ang gusto ko lumalaban
Ta's sa kama niya lang kayang patunayan
Mahalagang hindi ko kayang sa bibig niya humalik
Halata naman kasi nga na marami siyang kabit
Dami ng hanap kayamanan lang hindi yung mabait
Marami silang mga hindi ka iibigin pabalik
[Chorus: Hero]
Hindi makawala
Gusto ko nang magwala
Kahit na pakawala ka ay hindi ko magawa
Kahit walang mapapala
Aking pag-aalala
Ay wala 'kong magawa
Kundi kumapit sa sinambit mong
Sumpaan nating dalawa
Sampal sa aking makita
Na kahit 'di na masaya
Martir bang matatawag kung sabihin kong mahal pa rin kita?

[Verse 2: Hero]
Totoo pala na
'Pag ikaw ay nagmahal ng
Sobra-sobra ay hindi mo na mapapansin ang iyong kahalagahan
Totoo pala na
'Pag ikaw ay nagmahal ng
Akala mo ay yun na madalas ayun nga
Ang sisira ng iniingatan mong tiwala
(Bakit sa leeg ka nakakapit?
Sabi ko kamay ko ang iyong hawakan ng mahigpit)
Nasanay ka sigurong mayro'ng tagabitbit
Pagpasensyahan mo na kung 'di ko kayang humigit
Sa pamantayan ng yaman 'di ko kayang sumiksik
Tanging pagmamahal lamang ang kaya ko na ibalik
Pero dahilan ba 'yon para ika'y manloko
Yan ba ang sukli ng minahal kita ng todo
Siguro nga ay nakampante ka na lang masyado
Kaya din ako gan'to kasi sinanay mo 'ko
Na lagi kang nakasiksik lagi ka pang nakahalik
Pero sa aking pagpikit meron na palang kumakabit
Na panibagong ideya sa utak mo na makulit
Palit-palit ka ng lalake na parang bagong damit
Pero tinaggap pa rin kita
Na para bang walang nangyari
Yun ang masakit sa akin yung pilit binabalik ang dati
No'ng panahong wala ka pa sa buhay ko kasi
[Chorus: Hero]
Hindi makawala
Gusto ko nang magwala
Kahit na pakawala ka ay hindi ko magawa
Kahit walang mapapala
Aking pag-aalala
Ay wala 'kong magawa
Kundi kumapit sa sinambit mong
Sumpaan nating dalawa
Sampal sa aking makita
Na kahit 'di na masaya
Martir bang matatawag kung sabihin kong mahal pa rin kita?

[Outro]
Sumpa (Wala)
Sumpa (Wala)
Sumpa (Wala)
Sumpa (Wala)
Sumpa (Wala)
Sumpa (Wala, wala, wala)
Kung sabihin kong mahal pa rin kita
(Mahal pa rin kita)
Kung sabihin kong mahal pa rin kita
Martir bang matatawag kung sabihin kong mahal pa rin kita?