Shanti Dope
City Girl
[Intro: Klumcee]
Y-y-y-y-young God

[Chorus: Shanti Dope]
Unang gabi niya 'ko nakasama pagngiti
Nasabi niya, "Madami kang babae"
Oy, hindi, ah
Kasi sa ngayon, ikaw ang gusto ko makita
Habang mayro'ng alak sa'king basong malamig, ah

[Verse 1: Shanti Dope]
Masaya, pero pa'no kung wala 'kong kaya?
Tulad ng kasama mong iba?
'Wag ka pa din sana mawala, ahhh
'Yung larawan mo tumatakbo hanggang sa panaginip
Alaala na naglalaro sa malikot na isip
May ibang nasa harap na
Ba't ikaw ang madalas naaalala pagwasak na 'ko?
Pwede bang sa'kin ka na lang ma—?
Sana 'wag ka magsasawang maalala
Kung ano yung ating nagawa sa
Unang araw mo 'ko nakilala, ahh
'Pag kasama ko si Hellmerry
May kasama siya, isang bestie
Madalas tatlo kapag ready
'Yung iba sabog, lahat sexy
'Yung isa na mas matanda pa sa'kin pero may dala-dalang candy
Nung ikaw kasama, ang safe nasabi kong, "Sa'kin ka na lang, baby?"
[Chorus: Shanti Dope]
Unang gabi niya 'ko nakasama pagngiti
Nasabi niya, "Madami kang babae"
Oy, hindi, ah
Kasi sa ngayon, ikaw ang gusto ko makita
Habang mayro'ng alak sa'king basong malamig, ah

[Verse 2: Shanti Dope]
Sa isip mo, lagi akong may iba
Sa mga gabing ako lang mag-isa
Habang hindi ko pa din malimutan
Na mas masaya kapag katabi ka
Ano mang mangyari't maraming gawain
Tumawag ka lang ako'y parating na
Mundong magulo na 'to
Natatakasan ko lamang sa kada kasama kita
Dami nilang sinasabi
Pero mas maniwala ka sa'kin
Kasi nga iba na 'ko sa dati
Nung ikaw na kasama ko lagi
Oh, kailangan kita, 'di ko kaya gawin 'to nang ako lang din kung sakali
Kahit nakakapagod na din pumapawi kapag kagat mo 'ko sa labi
Magulo nakaraan ko, 'di masabi sa harap mo
And'yan ka na, isang tawag lang sa'yong kama nabilanggo
Medyo bago lang lahat sa'kin parang 'di ako sanay sa gan'to
Kasi kahit parang kaibigan lang kita, ikaw na 'yung mahal ko
[Outro]
Masaya, pero pa'no kung wala 'kong kaya?
Tulad ng kasama mong iba?
'Wag ka pa din sana mawala, ahh
'Yung larawan mo tumatakbo hanggang sa panaginip