Shanti Dope
Str8 Outta Condom
[Intro]
Ah, ah, patingin, ah
Pakinggan nyo ang istorya
Ng isa sa pinakamalakas na semilyang iniluwa sa mundong ito
Brrruh

[Verse 1]
Araw na pinagtripan ng nakasimangot na ulap
Iba't ibang umaga ang sa mata nagpamulat
Inasahang maganap mga bagay na 'di ko sukat
Akalaing sugat sa aking matang 'di ko mabuhat
Paningin ko man ay medyo mamuta-muta pa
Talo-talo na sa kapeng barako sa umaga
Bukod sa kaalaman at sa baon ko na kwarta
Ay ganado ako para sa hangarin na dalaga
Makasilay
Klase na medyo maingay
Gurong may katamarang ibaba mga kilay
[?] katutak na matitibay
Pumasok ka ng estudyante, uuwi kang mala-Binay
Napakasarap mabuhay kahit tanging karepa
Mo lang pulang kabayo at [?] sa lamesa
Buti nung ako ay binuo, si tatay merong pera
Ngunit pagbili niya sabi ng tindera

[Hook]
(Tila lagot ka) ah
Ah, tingin, ah
(Tila lagot ka) ah
Ah, tingin, ah
(Tila lagot ka)
[Verse 2]
Mundo at panahon na 'di marunong makisama
Taon ng dalawang libo't isa nagpakilala
Sa akin ni inay ako'y sawa na maging kabit
Ang kabutihan na tukso na may gawing asawa
Natutunang gumapang, dumilat, tumayo
Dagok ang kadalasang kaalitan, kalaro
Mamiso sa palad umaasang mapalago
Bigo mang maka-uwi, kamot ulo ng patago na lang
Parati alaalang iniwan ng kalsada
Buhay na laro lang ay digma ang kinilala
Na kaalamang pinasa ay wala pang guro at mag-aaral
Ang nakakita sa kahit anong pisara
Marami man ang kontrabidang marahas
Pinilit maging bida sa sariling palabas
Binigyan ni Bathala ng kakaibang lakas
Kahit may gomang nakaharang butas

[Hook]
(Tila lagot ka) ah
Ah, tingin, ah
(Tila lagot ka) ah
Ah, tingin, ah
(Tila lagot ka)

[Verse 3]
Sagad-sagaran na ang aking pagkakabaon sa utang
'Di ko na maalala mukha ng aking magulang
Madalas na ulam ko'y de lata mula pa nung una
Kung minsan tuyo lang, may kaagaw pa, anak ng pusang buhay 'to
Marahil ang masasabi ng iba 'pag tinakbo nila ang tsinelas kong dala
Nagawa ko na 'yan dati partida walang paa
Kamay, mata, wala pang makita't makapa
Sa dami naming nakipagsapalarang
Masilaw sa liwanag ng araw at buwan
Natutunan na makipagbundulan at tulakan
Upang ang dulo't sukdulan atin nang mapuntahan
'Yung iba kong kasamahan ipinunas lang sa damit
Nilunod sa inidoro, nilampaso sa sahig
Malasin man o matalo, masiraan ng bait
Alam mo ba kung ba't panalo ka pa din kasi
[Hook]
(Tila lagot ka) ah
Ah, tingin, ah
(Tila lagot ka) ah
Ah, tingin, ah
(Tila lagot ka)
Ah
Ah
Tingin
Ah