Shanti Dope
Teknik
Habang tumatagal ay mas inaalam
Para sa'n ko to ginagawa no'ng simula pa lang
Musika man ang naging bibig na ng isipan ko
May mga nagdaang rason pa din para tigilan 'to
Alam ko nang dito na 'ko darating no'ng una pa
Sa kung papa'no gustuhin 'to kumbaga
Kulang na lang sabihan nang, "Mahal kita, papunta na"
Mikroponong tumatalon huli na nung sumampa, kulang ba?

Pa'no mabuhayan naghanap ng magdududa
Kahit 'di na pinupulot 'pag basura na
Sumulat ang sagot ko sumaya ng walang pinapatunayan sa iba
Kung sa sarili pwede pa kahit agaran
Magkaro'n ng ikalawa na pangalan
'Pag sa entablado ay hindi na inasahan
Kung nilagay ako dito kapalaran na may kasalanan
Naturalang dinala ng hangin sa gustong tapakang
Tugatog gamit ang paang pinatid ng marami
Naging mapag-isa nung mag-iba ng klase
Kada araw na may pasakit sayang kasali
May sulatan at tintang sumalamin saking imahe

'Di baleng tawanan kahit abutin ka ng umaga
Ito ako buo may perang babangon sa kama
Lango sa kakalaro ng bara
Iwan mo mang kalbo yung sagada 'di mo 'to kaya mangarap na parang
Umpisa't huli palagi paalala sa sarili 'pag wala ng gana
Harapin ang bukas kada tutok sa mabahong nakaraan
Sarili ang kalabang 'di mo kayang nasasaktan
Isipan na kung 'di man kontrolado kalaban 'yan
Natuto sa karanasang wala 'ko mapaglagyan
'Di ka na dapat kabahan walang halong drama 'to
Binigyang kahulugan ko lang pagbangon sa kama ko
Sa dami ng nilampasang araw na dinadaing ay mas naging
Kapanapanabik sakin yung panibagong darating
Madami mang tila pasyente dyan magmagaling
Ay nasa salamin ang templo ng dapat ko sambahin
Ako 'yan
Ako 'yang nasa salamin
Ako 'yan

Isa pa

Ilang ulit sinubukan ng buhay kung kaya pa
Gusto nila 'ko magdrama tinawa ko lang kahit dagdag ngawit sa panga
Maging saya ko lang yung galit mo bakasakaling kapayapaan naman yung topic
Gusto lang din naman makagawa ng classic
Kung saan-saan pa dinala ng awit, tulala sa trapik
Dagit Magdalena, Maria Clarang nakatalik
Biyaheng langit ba 'tong musikang depende sa paggamit
Kakaadik na
Kaya huminga
Muna sandali
Bago mo 'ko tuldukan
Gawin mo yung minamani ko lang, sa madaling salita
Sulat ng panggulat na pangmulat pa maggulay ka
Ganyan maligaw sa gubat
Pa-Cavite
Sa'min walang libre
Katuparan ay binabayaran ng pagsisikap maigi
Kung alam mo lang pinagdaanan ko
'Di mo 'ko masisisi
Na sa gantong sapatos manatili
Hiphop