Shanti Dope
Ikaw
[Chorus: Pino G]
Gagawin ko ang lahat para lang sa 'yong mga halik
Kahit 'di ka pa kumakagat at wala pa ngang bumabalik
Ako'y sabik na sabik na sabik na mapaibig ka, yeah
Kahit alam kong 'di mo 'ko kaya na ibigin pa, yeah

[Verse 1: Shanti Dope]
Dami na ng nagbago
Dati madalas talo
Magpayaman ang trip
Mula binanggit mo yung "Walang tayo"
Hanggang sa 'eto wasak na 'ko
Amat ay sagad lalo
Tipong antaas na masyado
Tatlong eabab sa baba ko ugh
Ayaw na nila 'ko iwan nung makita
Nilang may salapi sakin dali nyang lumandi ha
Makalimot ba sa nakaraan natin madali ka-
Da may tama't wala na ay parang ikaw pa din naaalala sa dami
Alaalang nangyari
Sa alapaap na laging tambayan natin nung dati
Sakin walang ibang maganda, uh, alaala lang na
Nagawa natin ng basag ah ayoko ng galit tayo basta

[Chorus: Pino G]
Gagawin ko ang lahat para lang sa 'yong mga halik
Kahit 'di ka pa kumakagat at wala pa ngang bumabalik
Ako'y sabik na sabik na sabik na mapaibig ka, yeah
Kahit alam kong 'di mo 'ko kaya na ibigin pa, yeah
[Verse: Jobe Nkemakolam]
Lagi kang minamasdan sa isip ay hinahagkan
Dinidilaan sa hagdan hanggang sa may kusina
Hindi maubos ang bango ng dala mong sampaguita (Halika)
Pero ikaw ay mailap 'di ka lumilingon
Kada tawag ko sa'yo wala ni isang tugon
Kada hawak ko sa'yo napapaso ba't gano'n
Parang nagbabagang uling na galing pa sa pugon (Uh)
Ganyan ang mga gusto ko (Uh)
Pagmamahal na medyo madugo (Uh)
Teka ano ba ang gusto mo
Ga-maling ga-ligo pero yung sakin ga-nido
Hindi pwedeng mapundido para maliwanagan ka
'Di ako papayag na mapunta ka sa iba
Kaya tayo andito ay kasi nga mahal kita
Pwede ka lang umuwi 'pag wala na 'kong hininga