Calix (Philippines)
Kara Krus
[1]
Sa araw-araw ginawa ng diyos
Sinusubukan kong kumayod na walang na babastos
Walang natatapakan
At Iniingatan di makasagasa
Ng kapwa kong damang-dama
Ang kahirapan

Ngunit bakit sa pilit
Kong mabuhay ng tuwid
Ay may makitid ang utak
Na gusto pang sumingit
Gustong makihati
Sa ani
Habang walang bakas ng dungis
Ang kanilang damit

Hindi ako santo, walang balak magka rebulto na sasambahin ninyo

Ako ay hamak lang nanilalang na iiniisip kung ano ang kakainin sa makalawa
Dahil sa liit ng sweldo

Kaya ano ang iniisip mo itutok sakin yang baril
Na nangangamoy dugo

Boy, walang wala na nga ako
Pati naman buhay ko nanakawin nyo

[2]

Ser, pasensya na walang personalan
Di ko matiis na walang gagawin
Sa aking kalagayan

Nangangailangan si Misis
Ng gamot sa matres
Sya'y buntis sa aming una

Sa sawing palad ay
May kumplikasyon mula pa sa pagdadalaga

Pagka't ginahasa sya
Ng limang gagong pinagkatiwalaan nya
At tinuring nyang kadugo
At tinuring nyang parang kuya

Nasaan na ba ang hustisya
Nasaan na ba? Hesusmaria
Sinunod ko ang batas
At kami'y nag sampa
Pero na bali-wala

Kumayod din naman ako
Nag-banat ng aking buto-buto
Kinapos pa din ang ipon

At ngayon
Nakatutok sa iyo ang baril
Na ginamit ko
Pamatay gago

Ser sige na, ibigay mo na
Kahit yang selpon mong napaka-mahal
Pandagdag bayad lang sa ospital
Mamatay na ang lahat wag lang aking mahal

Ano pa ang silbi kung wala na sya
Handa kumitil basta makita
Ang ngiting kay dalisay
Nasabisig si panganay

Kaya, Ser, pagbigyan niyo na ako please

Pero boy sana maintindihan mo
Hindi ito sagot
Hindi ito solusyon

Pinipilit mong makita
Ang ilaw sa dulo ng walang hanggang pag durusa
Ang kapalit ba'y masaktan
Sa ngalan ng buhay na hindi tiyak kung may ginhawa

Sino ba talaga ang may karapatan?
Dios ba o tao, sino ba ang huhusga?
Habang iniisip mo, dumadami ang duguan
Dumadami ang gutom, dumadami ang ligaw