The Juans
Binibini Sa MRT
[Verse 1]
Nakapila na nang mahaba
Umalis pa naman ng maaga
'Kala ko araw ay sira na
Nang bigla kang makita
Binibining kay ganda
Tulala ng panandalian
Sa mga pasaherong nag-uunahan

[Verse 2]
Oh, kuyang guwardiya
Pasensya na hindi ko namamalayan
Nakatapak na 'ko sa yellow line
Alam ko na delikado
Parang puso kong ito
Nabibighani sa tabi ng isang
Marikit na binibini

[Chorus]
Mula sa Buendia Station
Solo mo aking atensyon
Paligid ay nag-slow motion nang makita kita
Hindi ko alam ang iyong pangalan
O lugar na patutunguhan
Pwede ba kitang samahan kahit nasaan pa 'yan?
Oh, binibining nasa MRT, hey
[Verse 3]
Miss, ayan na ang susunod na tren
Naku, miss, I'm sorry
Nakakasiksik ka sa akin
Pero 'wag mag-alala
Po-protektahan kita
Sa mga nagtutulakang mga ate at kuya

[Verse 4]
Hahanapan ka ng upuan
Bisig ko'y pwedeng kapitan
Ituturo ko ang side na bubukas sa bawat station
Parang langit lang ang nararamdanamn
Nang biglang nang umandar ang tren at ako'y iyong nasandalan
(Oh, yeah)

[Chorus]
Mula sa Buendia Station
Solo mo aking atensyon
Paligid ay nag-slow motion nang makita kita
Hindi ko alam ang iyong pangalan
O lugar na patutunguhan
Pwede ba kitang samahan kahit nasaan pa 'yan?
Oh, binibining nasa MRT, hey

[Bridge]
Basta manatiling nakahawak sa mga railing
Pero kung ika'y ma-out of balance, okay lang
Nandito naman ako nasa tabi mo
'Wag mag-alala dahil sasaluhin kita (Sasaluhin kita)
Hanggang Trinoma
Hanggang Trinoma
[Chorus]
Mula sa Buendia Station
Solo mo aking atensyon
Paligid ay nag-slow motion nang makita kita
Hindi ko alam ang iyong pangalan
O lugar na patutunguhan
Pwede ba kitang samahan kahit nasaan pa 'yan?
Oh, binibining nasa MRT, hey

[Outro]
Binibining nasa MRT, hey
Five, six, seven, eight