The Juans
Pangalawang Bitaw
[Verse 1: Carl Guevarra]
Hirap isipin, ang hirap aminin
'Di na alam ang gagawin
Kung babalik pa ba sa'tin

[Pre-Chorus: Japs Mendoza]
Ngunit ayoko nang angkinin
Mga araw na kay dilim

[Chorus: Japs Mendoza]
Oras na para iwanan, mga alaala ng nakaraan
Oras na para iwasan, mga nakasanayan
Nahihirapan nang makagalaw
Oras na para bumitaw, pangalawang bitaw

[Verse 2: Carl Guevarra]
Ang hirap isipin
Masakit sa damdamin
Ang hirap tanggapin
Na wala ka na sa'kin

[Pre-Chorus: Japs Mendoza]
Ngunit ayoko nang angkinin
Mga araw na kay dilim

[Chorus: Japs Mendoza, Carl Guevarra]
Oras na para iwanan, mga alaala ng nakaraan
Oras na para iwasan, mga nakasanayan
Nahihirapan nang makagalaw (Nahihirapan nang makagalaw)
Oras na para bumitaw (Oras na), pangalawang bitaw
[Bridge: Japs Mendoza, Carl Guevarra]
Sinubukan kong lumaban
Kahit magulo'ng aking isipan
Natapos na ang laban
Nang hindi inaasahan
Ahh, gulong-gulo aking mundo
Utak ay litong-lito
Pikit-mata nang lalayo
Nahihirapan na ako, oh-ohh