The Juans
Kuya
[Chorus]
Kuya, ang hirap pala
Ako'y nasasaktan
Ngunit walang mapagsabihan
Kuya, nakikinig ka ba?
Ako ay lumuluhang mag-isa

[Verse 1]
Kuya, alam mo ba?
Kagabi ako'y nagwawala
'Di ko maalala ko kung bakit
Tandang-tanda ko pa
Nung ikaw ay kasama pa
Una kang sumasaway sa'kin

[Pre-Chorus]
Pwede ba kahit saglit ako ay kausapin?
Kahit na ikaw ay magalit ako'y makikinig

[Chorus]
Kuya, ang hirap pala
Ako'y nasasaktan
Ngunit walang mapagsabihan
Kuya, nakikinig ka ba?
Ako ay lumuluhang mag-isa
[Verse 2]
Kuya, alam mo ba?
Minsay ay natutulala
'Di ko na makayang pasanin
Lahat naman ay ginagawa
Ngunit parang 'di pa rin sapat
Ano ba'ng mapapayo mo sa akin?

[Pre-Chorus]
Pwede ba kahit saglit ako ay kausapin?
Kahit na ikaw ay magalit ako'y makikinig

[Outro]
Alam ko, masaya ka na
Ako ba'y naiisip mo pa?
At ngayo'y kailangan kita
Ako ay lumuluhang mag-isa
Ako ay lumuluhang mag-isa