Because
Retrograde
[Verse 1: Alisson Shore]
'Di ko na hinahanap pa mga yakap mo't halik
'Di  ka man bumalik o ipagpalit
Sa  iba, kahit na manggago pa
'Di na ko maprapraning‚ oh‚ alam ko na
Ang aking halaga‚ kung tayong dalawa
Man  ang siyang matitira sa mundo
Mas  pipiliin ko na lang na mag-isa
Nasayang lang, 'di na pasasabik
Sa'yong  ngiti, ayoko nang mangahas na bumalik

[Chorus: Colt]
Oras mo ay lumipas
Tila nagbago‚ pagtingin ko sa iyo
Oras mo ay lumipas
Tila  nagbago, pagtingin ko sa iyo

[Verse 2: Rhyne]
Hindi na 'ko mapapraning
Kung sasabihin mong wala na
Hindi na rin magtataka
'Pag kagising sa umaga na wala ka
Kung 'di ka man ngayon kasiping
'Di ka man ngayon kapiling
'Di ko na muling iisipin, ayos na
Kahit pa sabihin mong 'di na pwede
'Di na mamimilit na balikan
Pwede bang ayusin natin 'yung dati
Salitang 'yan‚ 'di mo na ulit maririnig
'Di na 'ko mangungulit
Anong akala mo ikaw lang ang pupwedeng manlamig
Kung maulit man 'yung sa'ting dalawa, 'di na 'ko magpapadaig
Hindi na pwede 'yung naglalaro ka lang tapos sa'yo ako'y sabik
Sawa na din akong magsabi na
Ako na lang ulit, ako na lang ulit
Maraming pang mas pwedeng pag-alayan
Ng pag-ibig kong, 'lang kapalit
[Verse 3: Because]
'Di na 'kaw ang hanap hanap sa pagdilat
Pag-ibig koy ginto pero sukli ay puro pilak
Kung ipagpatuloy pwede 'di na?
Unting galaw na lang ay tuloy nang masisira
Nawalan na ng pagmamahal sa taong kaharap sa salamin
At kilala mo na ang salarin
Kung sa'kin likod ay kaya mo nang magsinungaling
Bakit kapag kaharap ay 'di mo kayang tapatin
Ang lahat ay sobrang toxic, mga pangako puro tina-talkshit
Ngayon ay 'di na kayang sumaya kahit na konti
Laging nagmamataas sawa na maki-compete
Ang salitang mahal mo 'ko ay abstract hindi concrete
Kasi 'la na 'kong maramdaman, oh
Huli na 'to, ayoko na nang awatan, dahil
Sa desisyon ko 'ka'y walang karapatan, at
Wala ka na ulit na mababalikan sa'kin

[Verse 4: Jom]
Lahat ng galit at kalungkutan ay nag aho na
Kung dati lagi kang nasa panaginip
Ngayon ay 'di na kita na sisilip pa
Noon kahit sa'n ako magpunta
Ikaw ang hinahanap ko na sana ay ipagtagpo
Kasi noon ikaw ang aking mundo
Mas pipiliin ko na lang na mag-isa
Kesa lagi na lang na mukhang tanga
Kaya kahit maghanap ka na ng papalit sa akin
'Di na ako magagalit, ano man ang iyong sabihin