Because
IKOT
[Verse 1: Jnske]
Ilang beses na ba nangyari sa'tin 'to, 'di na kataka-taka
Kung maulit na naman na magtalo tayo sa walang kwentang dahilan
'Di ka ba nagsawa na ako'y saktan, palipas na sinasaktan
Porket alam mo na meron kang masasandalan
Gano'n mo na lang ako saktan kaya 'wag mong hintayin na magsawa na ako
Sabihin mo na lang kung ititigil ko na 'to
'Di ko alam kung pa'no, nakakasawa na, wala nang bago
Kung kailan natutunan kong magbago, tyaka ka nagkaganyan para ka namang gago
'Di na kita maintindihan, panay ka reklamo
Ano bang nagawa, bilis mo na magbago
Wala akong matandaan sa'yong atraso
Kung bakit tinuturing mo ako na parang aso

[Chorus: Jae K]
Sandali naman
'Di ko na alam kasi paulit-ulit lang
Tayo'y paikot-ikot lang
Sandali naman
'Di ko na alam kasi paulit-ulit lang
Tayo'y paikot-ikot lang

[Verse 2: Yuridope]
Ayoko (Ayoko) nang makipagtalo sa iyo
Bukod sa nakakatawa na, nakakatanga pa
Halos mahilo-hilo pa ako, paulit-ulit lang na ganito
Wala nang bagong nangyayari satin, 'di mo na rin ako tinatabihan ('Di na)
Wala ka na bang gana sa'kin? Bakit kapag inaaya kita lagi mo kong tinatanggihan?
Kung ayaw mo na, eh 'di wag mo, ilapag mo na muna yung bag mo
Imbes na ipalo mo sa akin, ba't di mo 'ko yakapin? Magpainit kahit na hindi bagyo
'Di 'yung madalas pala magtalo at magbangayan para tayong mga aso't pusa niyan
Sumosobra ka na sa'kin, ang dami mo nang kulang, lagi mo pa 'kong pinag-iinitan
At pinagagalitan para wala akong tama na ginagawa, minsan gustong sa'yo sabihin, tama na
'Yung ganitong situasyon natin parang nakakasawa na, sa pang-aaway mo, kailan ka magsasawa? Ah
[Chorus: Jae K]
Sandali naman
'Di ko na alam kasi paulit-ulit lang
Tayo'y paikot-ikot lang
Sandali naman
'Di ko na alam kasi paulit-ulit lang
Tayo'y paikot-ikot lang

[Post-Chorus: Jae K]
(Sandali naman, 'di ko na alam)
Tayo'y paikot-ikot lang
(Paulit-ulit lang)
Tayo'y paikot-ikot lang
(Sandali naman, 'di ko na alam)
Tayo'y paikot-ikot lang
(Paulit-ulit lang)
Tayo'y paikot-ikot lang

[Bridge: Jae K]
Bakit hindi mo ba masabi na wala na at tapos na
'Di na para ipagpatuloy pa 'yung mga

[Verse 3: Because]
Kumalma ka saglit baka naman na pwede
Natatakot na kong pagdaanan 'to Balete
Sa ingay natin kwarto ay biglang naging palengke
Pinapalabas mo mga halimaw sa loob ko parang Ben 10
Mahalin mo lang 'ko, baby
Isisigaw ko sa lahat na parang paging
Sa dami natin na pinagdaanan, mala-training
Ang dami ko na rin pasa, daig ko pa hinazing
Pero 'di naman ako galit, 'di kita kayang ipagpalit
Basta sa susunod wag ka nang makulit pa ulit
Ilugar mo kung san ka magsusungit
Magtiwala ka lang sa'kin
Alam ko na minsan ay nagpapalambing lang
Pero sana naman ang panig ko ay pakinggan
Imbis masakit na salita, halik na lang ang mag palitan
Oh, tignan mo, ngingiti na 'yan, nagpipigil na lang
Ikaw lang naman dito nanakit agad, mahal kita kaya hindi kita kaya na palagan
Sorry na agad, baka magpa-Tulfo ka pa sa lagay na 'yan
'Yung pinto paki-bukas pwedeng, 'wag mo na 'ko lock-an
'Wag mo na 'kong sigawan, hay, nako, eto naman
Because!
[Chorus: Jae K]
Sandali naman
'Di ko na alam kasi paulit-ulit lang
Tayo'y paikot-ikot lang
Sandali naman
'Di ko na alam kasi paulit-ulit lang
Tayo'y paikot-ikot lang

[Post-Chorus: Jae K]
(Sandali naman, 'di ko na alam)
Tayo'y paikot-ikot lang
(Paulit-ulit lang)
Tayo'y paikot-ikot lang
(Sandali naman, 'di ko na alam)
Tayo'y paikot-ikot lang
(Paulit-ulit lang)
Tayo'y paikot-ikot lang