Because
Intro
[Verse: Because]
Aking dibdib ay puno na ng sugat
Aking pagpikit kasabay ng aray
Ang tamis sa akin na nagmulat
Karanasan ko ang laging gabay
Sa mga binuo ko na sulat
Maraming beses akong nadapa
Bago matutong bawal makupad
Daming pang nagbubulungan sabing
‘La daw akong makakamit
Ngayon sila ay bilib
Lahat ng aming pinaghirapan
Doble saming bumalik
Bawal antukin
Ang iyong pangarap
Dapat mo nang tuparin
Tinutulugan mo na higaan
‘Wag panatiliing banig
Dati ay hindi dinig
Sinisilid sa dilim
Ngayon nagbunga lahat ng aming tanim
Sa kakadilig
Hindi titigil sa aking pagpilit
Tumutok ng babasagin
Ako'y pagod na pagod na
Pero patuloy parin
[Chorus: AJ Castillo]
Minahal aking mga pasa na
Kung sa bumangga ay hindi na papara
Dahil kung hindi ka masasaktan
Di ka matututo’t , 'la kang kalalagyan, yeah-yeah-yeah
Minahal aking mga pasa na
Kung sa bumangga ay hindi na papara
Dahil kung hindi ka masasaktan
Di ka matututo’t , 'la kang kalalagyan, yeah-yeah-yeah