Because
Puyat
Kanina ko pa nareceive, ngayon ko lang binasa
Di nako makapikit, nawalan na ng gana
Dumungaw sa bintana
Ang dilim unti unti nangang nawawala na
Malapit na sumapit ang umaga
Gusto ko lang umidlip
Gusto kong managinip
Ang daming iniisip
Puno ng mga tanong
Na hindi ko kaya na masiret
Tanginang pag ibig
Ba't hindi ko kaya na sayo ay malapit
Lahat ba na sayo nakapaloob masakit
Ano ba kailangan na gawin na mabuti
Sugat ay gusto nang matahi

Pakita mo naman sa akin, aking ka halaga
Kahit konti lambingin kung mahal mopa
Alam moba?
Di na makatulog yah
Kailangan na ng tulong niya
Pagod na sa kakaurong sulong
Ano ba ang punto, sakit na sa ulo

Laging puyat dahil sayo
Sana'y malaman mo na
Ako'y laging puyat dahil sayo
Gabi gabi hindi mahimbing
Ang pahinga dahil sayo
Ganto pag wala sa tabi mo
Wala sa tabi mo
Ganto pag wala sa tabi mo
Ako'y laging puyat dahil sayo
Ako'y laging puyat dahil sayo

Kung ako ay namimiss sabihin mo at wag ka puro parinig
Kung ako ay mahal mo pa sabihin mo at wag ka puro palihim
Ang gusto ko lang naman ay manggaling nasa iyong bibig
Dahil ako'y nahihirapan na
Tulog ay madaling araw
Tapos gising ay tanghali
Ganito nalang palagi
Wala kana bang malasakit
Pwede mo ba na sabihin
Kung anong gusto mo na mangyari
Ano ang iyong hadhikain
Antok sana ay dalawin, dalawin

Pakita mo naman sa akin, aking halaga
Kahit konti lambingin kung mahal mopa
Alam mobang
Para ng bangungot ang
Yung mga idinulot niya
Pagod na sa kakaurong sulong
Ano ba ang punto, sakit na sa ulo?

Laging puyat dahil sayo
Sana'y malaman mo na
Ako'y laging puyat dahil sayo
Gabi gabi hindi mahimbing
Ang pahinga dahil sayo
Ganto pag wala sa tabi mo
Pag wala sa tabi mo
Ganto pag wala sa tabi mo
Ako'y laging puyat dahil sayo
Ako'y laging puyat dahil sayo