Flow G
Unli
[Intro]
Bars (Wala, wala, wala, wala, wala)
Multi (Wala, wala, wala, wala)
Wordplay (Wala, wala, wala, wala, wala)
Metaphor (Wala, wala, wala, wala)
Autotune (Meron, meron, meron, meron)
ExB (Baduy, baduy, baduy, baduy, baduy)
Jejemon (Aruy, aruy, aruy, aruy, aruy)
Flip-D on the beat

[Verse 1]
Ngayon pa lang magpapaumanhin na 'ko, kasi baka ulo niyo masira ko
Maninipa 'ko ng mga nagsabing mahina 'ko, makinig kayo bihira 'to
Madalas na marinig, sa kanta na pakilig, kasi malikot ang diwa ko
Iba 'yong pinapakita ko, para 'di nila makita na may tira ako
'Di nakita niyo, madulas ang dila ko, kaya pagka-pumitik klaro
Kung usapang linya naman ay mabisa, kaya gusto nila makabisado (Bleeeh)
'Di man ako magaling kumanta, pero hindi 'to pipiyok kasi nagtisa ako
'Pag ako sumargo kalat, sigurado kahit lapis lamang ang gawing tako
Buti na nga lang nakangiti pa 'ko kahit ang dami na nilang mga ngiting asong
Inaasinta ako, kaso 'di sila asintado, kaya 'di ako apektado
Iba mag-isip kasi laking kanto, papatol lang ako kapag kikita ako
Kaya minsan lang ako maging gago, 'pag 'yong kabaliwan ko binisita 'ko
Kung usapang multi, mabuti na lang naparito ka, halika, 'papakita ko
Dami ko kasing itinabing bago, kung susumahin siguro animnapung sako
'Tsaka balita ko, galing sa bibig niyo madali 'ka mo, oh, sige gawin nga 'to
'Pag hindi niyo nagawa ay para niyo na ring inaming 'di niyo kaya na itumba ako
[Verse 2]
Bars!
Nasa top ng mga flip, hindi marunong magdamit, inuuna 'yong salawal sa brief
Lahat galing-galingan at baliw-baliwan para mapansin ulit 'pag 'di na sila click
Mga barbero na hindi marunong maggupit, dinadaan na sa kulit para masabing malupit
Pare-pareho na 'yung trip para sa'n 'yong mga barang masakit
Bibilib lang ako 'pag nailapat niyo sa beat
Madaming magagalit d'yan pero bago makalapit matik 'yan, punit-punit
Kaya nagagalit 'yan, walang avid fan at wala ring fans sa piso net
Kitang-kita na naman 'yung difference sa kanila 'pag kami gumawa hindi pilit
Ta's kung sino pa 'yung mga silhouette, nagpapanggap na matigas pero galawang impotent
Pero 'yung mga legit nakakasama ko sa pic kasi nakakasama ko sila sa gig
At 'yong mga nainggit hindi sila makadikit kasi hindi nila maamin na nabibilib
Kaso halata na kid, mga galaw na weak, hinding-hindi kayo masasagip
Samakatuwid may pag-asa lang sila makatawid, 'pag 'yong pangalan ay kung saan-saan ikakabit
Ganito dumikdik siksik mabigat sa dibdib, alam kong hindi nyo 'to in-expect
Inakala niyong gawa ng Intsek, kaya wala kayong ideyang ganito kalintik
Kahit na sa mga liblib, kumakalat ang pangalan namin na binitbit
Habang 'yong mga gumigitgit ay nakakalat kaya minsan parang ang sarap nila iligpit
Puro parinig 'kala niyo 'di ko naririnig, madalas kasi hindi na lang ako umiimik
Matagal na panahon ko nang gustong mangalabit, kaso iniisip ko may bata na nakikinig

[Outro]
'Pag ako nagpaulan ng bara ay hindi pilit, unlimited
Kahit 'yung bawat titik ay hindi tinitipid nagdidikit-dikit
Ngayon mag-iisip ka kung bakit gan'to ako mag-isip hindi nagigipit
At kahit na nakapikit, nakadilat o tirik man ang mata wala ka na masisilip na i-correct
Isipin mo na lang kung pa'no ko sinet tahi-tahi 'yung salita parang napunit na damit
Ito na 'yung katotohanang masakit na, no'ng kami umentra
'Yung mga bida ay naging extra
Nagmukha silang napag-iwanan na ng petsa
Ito 'yung ebidensya ang laki ng deperensya