Zjay (PHL)
KKK (Kanya Kanyang Kayod)
Ang salitang imposible
Ikaw lang ang makakapili
Sagot ay napakasimple
(gawin mo, gawin mo)
Dapat tugon ay laging sige
Tulungan mo ang 'yong sarili
Kahit pitpitan ng daliri
(gawin mo, gawin mo)

Walang imposible kung lahat ay iyong gagawin
Pagsikapan kung ano ang gustong marating
Bago umani, dapat ka munang magtanim
'Wag sa chamba sumugal at himala 'di dadating
Ah, oo galing wala
Pero 'di naniniwala sa salitang himala
'Di tinulugan ang pangarap, pinagpuyatan, pinagpawisan
Pinalipad imahinasyon, 'di aasa sa kakapitan
Yeah yeah! ganyan lang naging sikreto
Diamante ng Tondo, Aristotle Pollisco
Hindi takot sumubok nagtiwala sa proseso
Dala palaging presko ibang klaseng lirisismo
Mismo! kita mo? 'Di to panaginip
Habang tumatagal ay mas lalong umiinit
Sumisilip ang tagumpay kahit na 'di mo ipilit
Ang salitang imposible ikaw lang makakapili
Ang salitang imposible
Ikaw lang ang makakapili
Sagot ay napakasimple
(gawin mo, gawin mo)
Dapat tugon ay laging sige
Tulungan mo ang 'yong sarili
Kahit pitpitan ng daliri
(gawin mo, gawin mo)

'Di mo kaya yan, tigilan mo na
'Di magagawa katulad nila
Hanggang dyan ka lang sabi ng iba
Makuntento ka sa tira-tira
'Pag naghihintay sa mga tugon
Tatawagin mo, 'di lumilingon
Kapos sa paa 'di makatalon
Sa larangan na bawal ang pikon

Ano'ng pangako nyo samin
Makita ang anino 'yan ay kung kami'y palarin
Mga hangaring hinain hanggang sa ito'y langawin
Kung pwede lang makain di mabilang na "Ama Namin"
Palitan mo na maghanap ng iba
Huwag kang maniwala sa mga sabi nila
Sinimulan mong gawin, ano mang marating
Mag-isa ay panalo ka na
Nadaanan na namin ito, 'di mo na kailangan pang malito
Ang lahat ng hinahangad mo
Ito'y para sayo nandyan sa harap mo
Nasa 'yo na yan!
Ang salitang imposible
Ikaw lang ang makakapili
Sagot ay napakasimple
(gawin mo, gawin mo)
Dapat tugon ay laging sige
Tulungan mo ang 'yong sarili
Kahit pitpitan ng daliri
(gawin mo, gawin mo)

Walang imposible
Batang lumaki sa San Marino, Cavite
Buhay ko'y di simple, sarili'y pinapahirapan
Dahil sa bandang huli ayaw ko na mahirapan
Kaya hangga't humihinga ay akin 'tong ilalaban
Ito ang tanging daan ko paalis sa kahirapan
Nang maghasik ng [?]
Wala na 'kong ibang hinahangad kundi kapalaran
Lambak, bundok, kapatagan, makikipagsapalaran
Handang mamatay para sa respeto't karangalan
Harurot patagumpay ang paglasap binabagalan
Miguelito malakas, palakas ng palakasan
Sariling aki'y binuo ay mas pasado na taasan
Sabi ng Diyos, ako sa kilos at Siya na sa pagpapala
Patawarin mo ako sa'king mga pagkakasala
Tingin ko ako'y bathala kaya ako ang bahala
Patayin at katayin...
Ang salitang imposible
Ikaw lang ang makakapili
Sagot ay napakasimple
(gawin mo, gawin mo)
Dapat tugon ay laging sige
Tulungan mo ang 'yong sarili
Kahit pitpitan ng daliri
(gawin mo, gawin mo)