Zjay (PHL)
Ganyan Talaga
[Verse 1: Zjay]
Alam mo na malupit, eh ba't sumabay ka pa?
Tambak ka nang harapan kahit sumakay ka pa
Mga turo na mali, nako, sinuway ko na
Ikaw na 'yung nakisama, ikaw pa 'yung masama
Ganyan talaga ang buhay, kakadiri madalas
Kung sino lang 'yung may pera, 'yun ang siga sa labas
Kayang-kaya nang bayaran ultimo pati batas
Kaya 'di ko masisi 'yung gumagamit ng dahas
Kasi sa mundo na 'to, tanggaping walang perpekto
'Wag mong hanapin kasi lahat ay may depekto
Masanay sa tsismis at masasakit na komento
Iwas argumento para lagi lang diretso, bueno
Buwelo lang palagi, pag-atake malakas
Panahon ng ating guro, sa kahon ay lumabas
Sumugod palagi at sa katinuan kumalas
Mag-iwan ka ng marka na alam mong walang wakas

[Chorus: Gat Putch]
Hindi na dapat magyabang kung anong meron ka
Kailangan mo lang magsipag, 'wag tignan 'yung iba
Diretso 'to kung tumingin, 'wag mong ihahambing
Nag-iisa 'to sa lahat kaya 'di mo mapansin
Hindi na dapat magyabang kung anong meron ka
Kailangan mo lang magsipag, 'wag tignan 'yung iba
Diretso 'to kung tumingin, 'wag mong ihahambing
Nag-iisa 'to sa lahat kaya 'di mo mapansin
[Verse 2: Mhot]
Nakilala do'n sa ligang karamihan pinaniniwalaan
Ang intriga't pagsisiwalat ng lihim
Siraan ng dignidad, laro na walang limitasyon
Na para lang sa may abilidad at giting
Handa sa anumang kahihiyang sapitin
Laging binabaon ang dedikasyon at gigil
Kahit iilan na lang din ang nananatiling
Mas nakatingin pa rin sa'ming panitikan at sining
Patawad sa'king nanay at babae kong panganay
Pinasok ang tunggaliang pwede kayong madamay
Pakikipagbatuhan sa hindi ko man kaaway
Ang naging pinagkukunan ng mauuwing tinapay
Mga kwentong pawang kahit imbento lamang
Pagalingan mangumbinsi bawat engkwentro't laban
Bukod sa sweldo may diskwento ang respeto't galang
Sa loob ng trabaho na pwede ang personalan

[Chorus: Gat Putch]
Hindi na dapat magyabang kung anong meron ka
Kailangan mo lang magsipag, 'wag tignan 'yung iba
Diretso 'to kung tumingin, 'wag mong ihahambing
Nag-iisa 'to sa lahat kaya 'di mo mapansin
Hindi na dapat magyabang kung anong meron ka
Kailangan mo lang magsipag, 'wag tignan 'yung iba
Diretso 'to kung tumingin, 'wag mong ihahambing
Nag-iisa 'to sa lahat kaya 'di mo mapansin
[Verse 3: Ron Henley]
Nais ko lang masulyapan kung anong nasa tuktok
Kung sa'n matinding kalaban mo daw ay ginaw at lungkot
Ngunit 'di ko kinalimutan 'yung paanan ng bundok
Kasama mga kababatang kasabayang sumuntok
Kain nang kain, payat, tulog nang tulog, puyat
Ipon nang ipon, salat, parang hindi pa rin sapat
Magdamagang nagsulat baka 'yung antas ay maiangat
Pangalan sa kasaysayan, magawa ko kayang maitatak
Kaso lang mata nilang lahat biglang nagka-letter P
Mukhang 50/50 na kami sa 30/70
Mas masarap pa rin talagang maging independent, G
Dapat lang sa mga ngiting aso na 'to pine-pedigree
Panay papuri, 'kala nila makakaisa
Karayom sa dayamihan, kalam ng tiyan kakaiba
'Pag ang panulat napuno nat naglaway na ng tinta
Nagtae na, 'di mo nanaising maalala ko pa