Eulito Doinog
Buksan
VERSE I:
Pinid na pintuan
Mistulang ding ding
Walang sino man
Ang maaring tanggapin

Anong pumipigil
Anong nagbabawal
Sa sariling mundo
Ba't di ka lumaya


KORO:
Buksan ang iyong mga mata
Kahit may luha
Mamahalin parin kita
At tutulungan na lumaya


VERSE II:
Basong may tubig
Lagyan mong muli
Aapaw dahil
Wala ng silid

Ang pusong may galit
Di maaring umibig
Bulag sa wasto
Alipin ng isip