[Verse 1]
Sa 'Yong biyaya, ako ay namamangha
Sa 'Yong kalinga, panganib ay 'di banta
Sa pag-ibig Mo, palaging ligtas ang puso
[Verse 2]
Mangusap Ka, lingkod Mo'y nakikinig
Sa ingay man, bulong Mo'y natatangi
Pag-asa'y Ikaw, sa 'Yo puso ko'y tatahan
[Chorus]
Sandigan ng puso ko
Ay nahanap sa 'Yo, Kristo
Pangalan Mo'y kanlungan ko
Kailan pa man
[Bridge]
Kailan ma'y 'di lalayo
Ikaw ang kaligtasan ko
Binabalot ng 'Yong lakas
Sa piling Mo ako'y ligtas