Ritzz, Bosx1ne, Jnske, Iyazu
Tampo
[Chorus: Jnske]
'Lam mo bang hindi bagay sa'yo kapag ika'y nagtatampo
'Wag ka nang sumimangot, babe, 'lika rito sa tabi ko
Lambing ko (Lambing ko)
Ang kailangan mo (Kailangan mo)
At hinahanap mo
Kaya baby, baby, 'wag nang magtampo, oh

[Verse 1: Ritzz]
Kahit na palaging nag-aaway, hindi kita 'pagpapalit sa iba
Kahit na ako ay nauumay, sa'yo pa rin, alam mo ba?
Na ikaw pa rin ang mahalaga kahit na palaging masungit
Nakakapagod man na intindihin ka sa sitwasyong paulit-ulit
Wala naman sa isip kong maghanap at bumitaw
Kahit na 'lam kong madami d'yan, ikaw pa rin ang sinisigaw
Kaya baby, 'wag na, 'wag nang magtampo
Itigil mo na 'yan, halika sa tabi ko

[Chorus: Jnske]
'Lam mo bang hindi bagay sa'yo kapag ika'y nagtatampo
'Wag ka nang sumimangot, babe, 'lika rito sa tabi ko
Lambing ko (Lambing ko)
Ang kailangan mo (Kailangan mo)
At hinahanap mo
Kaya baby, baby, 'wag nang magtampo, oh
[Verse 2: Bosx1ne]
Yah, 'lika, baby, halika ('Lika)
'Lika sa'kin yumakap (Yakap)
Promise, baby, hindi na mauulit pa
Sa dami ng aking mali, baby, sana'y (Sana'y)
Mapapatawad mong muli 'di sana'y (Sana'y)
Mawala ka sa'king tabi ako sana'y (Sana'y)
Laging nandito ka at kinakausap ka, yah, yah
Alam mo bang hindi bagay sa'yo?
Ang nakasimangot, baby, 'wag ka na magtampo
Lambing at halik mo ang gusto at yakap mo
Kaya baby, please, uwi ka na
Alam mo bang hindi bagay sa'yo?
Ang gusto ko lang naman ay ang mapatawad mo
Kaya baby, sorry na kung may nasabi ako
Kaya baby, uwi ka na, yah, yah

[Chorus: Jnske]
'Lam mo bang hindi bagay sa'yo kapag ika'y nagtatampo
'Wag ka nang sumimangot, babe, 'lika rito sa tabi ko
Lambing ko (Lambing ko)
Ang kailangan mo (Kailangan mo)
At hinahanap mo
Kaya baby, baby, 'wag nang magtampo, oh

[Verse 3: Iyazu]
Oh, alam ko naman na hindi ako perpekto
Lalo sa mga naririnig mong kwento
Kaya naman tampo ang nagiging epekto
Sa mga mapanira nilang kinekwento
Kahit kailan sa'yo hindi ko nagawa
Dahil ang tulad mo sa akin ay ayokong mawala
'Yung mga walang magawa, gusto ka sa'king mawala
Siraan man ako sa'yo walang mapapala
At dalhin mo ang aking lambing
At muli mong dalhin ang tiwalang hinding
Hindi kayang bilhin halaga ng suot mong singsing
At muling tanggapin ang aking lambing
Sana alisin mo ang mga maling hinala
Ako na 'yung mali at ikaw na nga 'yung tama
'Wag ka nang magtampo, hindi na tayo bata
Ayusin na natin 'to, nang hindi na lumala pa
[Chorus: Jnske]
'Lam mo bang hindi bagay sa'yo kapag ika'y nagtatampo
'Wag ka nang sumimangot, babe, 'lika rito sa tabi ko
Lambing ko (Lambing ko)
Ang kailangan mo (Kailangan mo)
At hinahanap mo
Kaya baby, baby, 'wag nang magtampo, oh

[Verse 4: Jnske]
Pa'no man ang mga pagkukulang ko?
Hayaan mong ibalik ko ang lahat sa'yo
Nandirito naman ako, pag-usapan natin 'to
Tumingin ka sa'king mga mata
Ayusin natin ang problema nang tayong dalawa
Nang 'di na humantong pa sa hiwalayan (Oh, yeah, oh, no)
Wala naman sa isip kong maghanap at bumitaw
Kahit na 'lam kong madami d'yan, ikaw pa rin ang sinisigaw
Kaya baby, 'wag na, 'wag nang magtampo
Itigil mo na 'yan, halika dito sa tabi ko