Unique Salonga
Ilaw Sa Daan
[Verse 1]
Mga ilaw sa daan
Nakikisabay sa liwanag ng buwan
Habang ako'y nakatingin sa kawalan nang hindi mo pansin
Mga taong nalampasan
Ng apat na gulong na akin ngang sinasakyan
Sa inipong usok ay bitin
Na naka-ipit sa gitna at pang bituin
[Pre-Chorus]
Tuloy-tuloy sa pagtakbo
Biglaang hihinto sa dulo
[Chorus]
Kung makikita mo naman
Lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw
Humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya
Damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi
Bago pa sumapit ang araw
[Verse 2]
Mga tao sa daan
Sila'y sabay-sabay sa paggawa ng paraan
Upang lapitan ang lasing na
Unti-unting umiikot ang paningin
[Pre-Chorus]
Tuloy-tuloy sa pagtakbo
Biglaang hihinto sa dulo
[Chorus]
Kung makikita mo naman
Lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw
Humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya
Damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi
Bago pa sumapit ang araw
[Chorus]
Kung makikita mo naman
Lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw
Humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya
Damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi
Bago pa sumapit ang araw
[Outro]
Kung makikita mo naman
Tumatalon, sumisigaw
Hindi mo na mapipigilan
Sulitin mo ang buong gabi