[Chorus: Flow-G]
Sabi ng iba kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (nakinabang)
'Katapos makinabang (makinabang)
Wala ka nang pakinabang (pakinabang)
[Verse 1: Bosx1ne]
Ganun talaga ang ugali ng iba
Minsan ay mabait kapag kailangan ka
Pero kapag nagkulang
Halos tabunan ka ng masasakit niyang mga salita
(Yeah yeah yeah)
Marami na 'kong nakilala sa 'ki'y nakinabang
Kapag walang-wala ka na‚ 'di ka nila kailangan
Anong pag-uusapan‚ wala namang baryangan
'Di ka dapat magtiwala‚ yun lang ang kailangan
Napalingat ka, dapat mag-ingat ka
Dapat nakadilat ka kasi dapat 'di ka niya
'Pag nahimas ka lahat malilimas niya
Lahat ng kilos mo nakikita niya
Kahit pa umiwas ka
Sa una pakitang-gilas pero sa huli
'Pag ubos na, lilikas na
Hey
'Di ka na
'Di ka na kailangan nu'n
'Di ba nga‚ sabi niya, "anong pakinabang n'un?" (pakinabang nu'n)
'Di mo na halata, napakautak nu'n
Gusto nila lagi na bagyo
Ayaw nila sa ambon