Nica del Rosario
Hulog
Urong sulong
Mambobola
Para kang lumang kanta
Kahit mayroon kang kalabuan
Heto naman akong natamaan

Kahit ikaw ay pasakit
Di ka mawala sa isip ko
Ako ba’y umaasa lang sa wala
Para kang naglalarong bata

At kahit patingi-tingi lang
Pagmamahal na aking natatanggap
Handa akong ibigin ka nang tapat
Kahit na pag-ibig mo’y hulugan

Hulugan, hulugan, hulog
(Kahit na pag-ibig mo ay)

Sari-saring babala
Ang aking nakuha
Na ang aking pusong kawawa
Ay hindi nasusuklian

Kahit ikaw ay pasakit
Di ka mawala sa isip ko
Ako ba’y umaasa lang sa wala
Para kang naglalarong bata
At kahit patingi-tingi lang
Pagmamahal na aking natatanggap
Handa akong ibigin ka nang tapat
Kahit na pag-ibig mo’y hulugan

Hulugan, hulugan, hulog
(Kahit na pag-ibig mo ay)