Nica del Rosario
Balang Araw
[Verse 1]
Balang araw
Ang bawat yakap ko'y
Wala nang halong takot o pagdududa
Balang araw
Pag-hawak sa iyong kamay
Ay wala nang alinlangan
Dahil 'di na tititigan

[Pre-Chorus]
'Di man natin maaabutan
Nagpapasalamat pa rin na ika'y natagpuan

[Chorus]
Balang araw
Ang pagmamahal na para sa kanila at para sa atin
Ay wala nang pagkakaiba
Balang araw
Ang ating tahanan kahit may pagka-dikaraniwan
Ituturing pa rin na pamilya
Hindi ko alam
Kailan natin masisilayan?
Pero sa ngayon, mahal kita, mahal mo ako
At sa ngayon, maaaring sapat na 'yon

[Verse 2]
Balang araw
Tinig ng puso ay hindi na pabulong
Lagi nang pasigaw
'Di man tayo kinakampihan
'Di rin naman tayo nag-iisa
[Chorus]
Balang araw
Ang pagmamahal na para sa kanila at para sa atin
Ay wala nang pagkakaiba
Balang araw
Ang ating tahanan kahit may pagka-dikaraniwan
Ituturing pa rin na pamilya
Hindi ko alam
Kailan natin masisilayan?
Pero sa ngayon, mahal kita, mahal mo ako
At sa ngayon, maaaring sapat na 'yon

[Bridge]
At balang araw
Ang ating pag-iisang dibdib
Sa buong mundo, ito'y may halaga
Pero sa ngayon, ikaw ay akin
At ako'y iyo at ito'y may halaga pa rin