[Verse 1]
Kailan ka ba pwedeng puntahan? (kailan, kailan)
Sabihan mo naman ako (sabihan, sabihan)
Pero ‘pag nalibre ako
Babyahe kaagad ako basta may timbre mo
Ang hirap magtago, bibihira pa kung mag-usap tayo
Ang dami nating iniiwasang tao, kaya ako na ang sa ‘yo dumadayo
Wala namang problema sa ‘kin basta makikita ka o makaka-inuman (kainuman)
Kasi ayon ang kasagutan, pampatapang para mabunyag mo ang ‘yong mga katanungan
Sabihin mo na sa ‘kin, ano’ng tanong mo sa ‘kin?
Aminin mo na hangga’t ‘di pa ko umuuwi
Gusto ko lang marinig
Mga salita na lumalabas lang diyan sa iyong bibig
‘Pag tayo’y lasing na bukas ay limot mo na pagkagising mo
(Alam mo…)
[Hook]
Naiinis tuloy ako sa ‘yo
Minsan naman gusto ko na lang umiwas sa ‘yo
Kaso ano ang gagawin ko?
‘Pag naglalasing tayo, ang lambing mo
Doble ang tama ‘pag nakakasama kitang tumotoma
Atay at ang puso ko ang tiyak kawawa
Tagayan n’yo pa ‘ko, kwentuhan pa hangga’t may tama
Hanggang mag-umaga, hanggang maghulasan tayo do’n sa kama
Hanggang humingi ka ng pasensya
Sa mga kilos mo na sa alak may diperensya
[Verse 2]
Kailan mo ba balak panindigan?
‘Yung mga sinasabi mo ‘pag ako nandiyan
Minsan nakapaniwala, ang sarap kasi na pakinggan
Parang totoo lang
Hindi naman sa ako ay nagdududa sa iyo kasi nalalasing din naman ako
Kaya ang pagkaintindi ko sa mga pinapadama mo
Kapag lango ka, mga ginagawa at sinasabi mo ay totoo
Do’n na lang kasi ako nakahawak
Kapag nawawala na sa ‘kin ‘yung tama ng alak
Nag-aalala, pa’no kung ‘di mo talaga ‘yun balak?
Nadala ka lang, eh ‘di, ‘di na ‘ko sa ‘yo na makakahawak?
Huwag naman, ‘di bale nang madurog ang mga lamanloob sa katawan
Kasi ako’y buo na rin naman basta ako’y minamahal mo kaso ‘pag lasing ka lang