Yuridope
Salamin
[Intro: Yuridope]
Oohh, humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay 'di makarating?
Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)
Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)
'Wag madaliin, harapin ang salamin

[Verse 1: Yuridope]
Dami nang magagaling, minsan naiisip ko na may sakit
Silang 'di na madadaig, kaya 'di makakatawid
Kahit gaano ka pa kalupit, 'pag ang utak nagkulit
Tinamaan ng lintik habang nakikinig
Sa sulat mo na siniksik mo na lahat
Ikaw pa rin punit at wala ka pa ring papel
Mapuno man ang kwaderno
Pati pabalat mo sa sulat mo't ideya (Huh?)
Sa dami mong ginera, utos ng magulang mo dinedma
Para sa mababangis maihelera ang sarili
Ngangatan ng gitnang daliri
Kahit 'di mo kakilala sisiraan, isisisi
Ang lahat kung ba't 'yung awit mo
'Di pinapansin, kanila ang napipili
Boy, matagal nang uso ang magtyaga
Magtiis ka para may mapala, 'di makakatulong pamumuna
Sa likha ng iba para lang maging perpekto ka
Baka d'yan ka magkadepekto pa
Tandaan na basta nasa tyempo ka at may tyaga
Gawa muna bago dada
Dahil 'yan ang may epekto d'yan, oh
[Chorus: Yuridope]
Oohh, humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay 'di makarating?
Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)
Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)
'Wag madaliin, harapin ang salamin
Oohh, humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay 'di makarating?
Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)
Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)
'Wag madaliin, harapin ang salamin

[Verse 2: Yuridope]
Talagang masakit 'yung totoo, kapatid
Pero nando'n ang mali
Mga paraan na pwede mong tuwid
'Wag matakot makinig, mas manginig 'pag 'di ka na makadinig
'Di na mabatid anong tama at mali
Tapos ang tingin sa sarili'y malaki
Kahit maliit pa naman humakbang nangmaliit
Agad ng iba, kaya mistulan ka ngayong bingi
Bulag at pipi pero merong gustong marating
Maraming gustong kwestyunin
Pero wala kang ibang alam kundi ay sagutin
Ikaw ang pinakamagaling
Kaya sa payo nila ay wala ka nang paki
Hanggang sa mapansin mong nasa huli ka na
Kasi nagsisisi ka nang 'di ka nakinig
'Pag nand'yan ka na anong mapapala mo
Kung tingin sa salamin para lang sa matang malabo
Tanging alam sa mga diskusyon, manalo
Paano 'yung may alam sa tanga
Handa nang magpatalo, ngayon
'Di pansamantala ang panahon
'Yung nasa tuktok ng tatsulok
Pwedeng bukas nando'n na sa kahon
Depende sa pag-iisip mo kung sa'n ka paparoon
Kung kikitiran pa rin habang buhay ka nang balagong, kaya
[Chorus: Yuridope]
Oohh, humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay 'di makarating?
Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)
Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)
'Wag madaliin, harapin ang salamin
Oohh, humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay 'di makarating?
Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)
Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)
'Wag madaliin, harapin ang salamin

[Verse 3: Gloc 9]
Tandang-tanda ko pa na nauna sila
At ako ang bagong salta aking dala-dala
Kahit 'di madiin ang porma kong bitin
Nang magkalasa ang handa ay kukumbidahin
Ang mga salitang nadinig
Dinikit sa tenga ko hanggang sa matulig
Ayaw magpahalata pero bumibilib
Tila binuhusan ng tubig na malamig
Uy, hindi masamang umamin
Bawasan ang siyang pagiging mahiyain
Dapat mong malaman na ganito sa'min
Ang lahat ay pwedeng-pwede manginain
Parang uwak kasamang anak
Para tumatak ang mga katagang lumalagapak
Puno lagi ng galak, halos maiyak mga naganap
Dapat parang bagong hasa na itak
Ang dala-dala sa laban, pasikatan
Payabangan ng mga paa na tinapakan
Laging pataasan, kayamanan na bulaan
Kelan pa kaya mamumulutan ang mga ito
[Chorus: Yuridope]
Oohh, humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay 'di makarating?
Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)
Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)
'Wag madaliin, harapin ang salamin
Oohh, humarap sa salamin
Bakit sa nais puntahan ay 'di makarating?
Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)
Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)
'Wag madaliin, harapin ang salamin