[Verse 1]
Landas natin ay pinagtagpo
Kahit 'di natin plinano
Tinakdang pangako na mahulog ako sa’yo
Unang pagtingin alam ko na
Ikaw ang bubuo, sinta, ng aking mundo
Pati na rin ang puso
[Pre-Chorus]
Sa ating paglalakbay, maaaring maligaw
Pero itong mga kamay, hindi bibitaw
[Chorus]
Ikaw ay akin at ako'y iyo
Kalawakan man gumuho
Kahit na ba sa kabilang buhay ay 'di maglalaho dahil
Ikaw ay akin at ako’y iyo
Lagi at kailanman ay pinangakong
Mamahalin kita ng buong-buo
Puso'y iyong iyo
[Interlude]
Na-na-na-na-na-na
[Verse 2]
Bukas man ay 'di nakatakda
Ang alam ko lang ay andiyan ka
Bawat umaga ay parang himala
[Pre-Chorus]
Sa ating paglalakbay, maaaring maligaw
Pero itong mga kamay, hindi bibitaw
[Chorus]
Ikaw ay akin at ako'y iyo
Kalawakan man gumuho
Kahit na ba sa kabilang buhay ay 'di maglalaho dahil
Ikaw ay akin at ako'y iyo
Lagi at kailanman ay pinangakong
Mamahalin kita ng buong-buo
Puso'y iyong iyo
[Interlude]
Yeah, yeah, baby
[Chorus]
Ikaw ay akin at ako'y iyo
Kalawakan man ay gumuho
Kahit na ba sa kabilang buhay ay ’di maglalaho dahil
Ikaw ay akin at ako’y iyo
Lagi at kailanman ay pinangakong
Mamahalin kita ng buong-buo
Puso'y iyong iyo