[Verse 1]
Dahil hindi pa tayo
'Di ko muna ibibigay ang lahat ng puwedeng ikatas
Ng aking pagmamahal
[Verse 2]
Ilalagay muna sa ref
Nakabalot sa marikit na lalagyanan
Isantabi para mamaya
[Verse 3]
Babantayan ka mula sa malayo
Nagbibilang ng mga segundo
Musta na kaya ang iyong mga linggo
Sana'y hindi ka masyadong pagod
[Verse 4]
Sino kaya ang nasa iyong isip?
Kasama pa ba ako sa mga saloobin
Hanggang sana na lang ako
[Pre-Chorus]
Lalayo kaya muna?
Mga maling akala
Matutong mahalin ang sarili
Hanggang ang oras ay dumating
[Chorus]
Mamahalin na lang kita nang tahimik
Idadaan na lang sa mga awitin
Lagi kang sinasali sa mga panalangin
Miss na kita, iyon ang aking aaminin
[Verse 5]
Itatago ang bulaklak
Ikubli ang mga salita na gustong iparating
'Di na muna lalapit
[Bridge]
Hihintayin kaya ako
Kapag dumating ang panahon
Susundan ang mga alon sa buhangin ibabaon
[Chorus]
Ang aking mga damdamin
Idadaan na lang sa mga awitin
Lagi kang sinasali sa mga panalangin
Mamahalin na lang kita nang tahimik
[Outro]
Mamahalin na lang kita nang tahimik
Idadaan na lang sa mga awitin
Lagi kang sinasali sa mga panalangin
"Inaro taka" sana'y sabihin mo rin