[Intro: Emjhay]
Bakit ba ganito?
Tanong ko lang, mahalaga ba ako sa inyo?
[Chorus: Emjhay]
Bakit parang ako lang ang may pasan nito?
Pamilya ko nga ba talaga kayo?
Sana'y mahalin niyo rin ako, woah
Lahat ay gagawin ko, ooh, para sa inyo
[Verse 1: Geo Ong]
Hindi ba dapat pamilya ang una kong tatakbuhan
Pero bakit gano'n, ako'y inyong tinakbuhan
Ang anak niyo lamang ay 'yung matalino kong kapatid
Kahit sagot ko naman ang lahat 'pag tayo ay said
Mabait lang kayo, Ma, Pa, 'pag may kailangan
Ang lambing niyo, ah, tatay-tatayan? Nanay-nanayan?
'Yan ang galawan na inyong nakasanayan
Anak 'yung utang ko, kailangan ng bayaran
Ano po ba ang tingin niyo sa'kin? Huh? Mayaman
'Pag wala 'kong naibigay, ako may kasalanan
Mga miyembro ng pamilya mo na abusado
Hingi lang nang hingi sa'yo, ayaw magtrabaho
'Pag 'di ka nakapagbigay, ikaw pa ang masama
Wala eh, pamilya mo kaya wala kang magawa
Kung lagi kayong ganyan, pa'no naman ako
Isipin niyo naman ako, 'wag 'yung kayo lang nang kayo
[Pre-Chorus: Emjhay]
Lagi nalang ako, bakit gan'to?
Naalala niyo lang ako 'pag may kailangan kayo
Kung mahal niyo ako, hindi sana gan'to
Kung mahal niyo ako sana naman ipadama niyo
[Chorus: Emjhay]
Kahit parang ako lang ang may pasan nito
Pipilitin ko pa ring kayanin 'to
Sana'y mahalin niyo rin ako, woah
Lahat ay gagawin ko, ooh, para sa inyo
[Verse 2: Geo Ong]
Mismong magulang mo, ikaw ay palaging sinasaktan
Sobrang sakit na pero pilit mo pa ring tinatakpan
Minsan hindi mo na alam kung ano ang gagawin
Sa agos ng buhay na 'to, sa'n nga ba tayo dadalhin?
Kasi nakakapagod nang huminga
Pakiramdam ko ang lahat sa akin ay huli na
Ang tagal ko nang nabubuhay pero halos walang bago
Talunan pa rin ang tingin sa'kin ng mga tao
Kung buhay ang tawag dito, ayoko nang mabuhay
Gusto nila pekeng ikaw, ayaw nila nang tunay
Gusto nila kung ano sila dapat gano'n ka rin
Sa panahong ngayon, tanong ko lang, dapat ba yong gawin?
Walang nangangamusta, wala ring kumakausap
Pagpikit ko halos ayaw ko nang buksan ang talukap
Nakakapagod na, nakakapagod na
Buhay na bigay mo sa'kin, saan nga ba ang punta, Diyos Ama?
[Pre-Chorus: Emjhay]
Lagi nalang ako, bakit gan'to?
Naalala niyo lang ako 'pag may kailangan kayo
Kung mahal niyo ako, hindi sana gan'to
Kung mahal niyo ako sana naman ipadama niyo
[Chorus: Emjhay]
Kahit parang ako lang ang may pasan nito
Pipilitin ko pa ring kayanin 'to
Sana'y mahalin niyo rin ako, woah
Lahat ay gagawin ko, ooh, para sa inyo
[Verse 3: Geo Ong]
Kaya lagi mong tandaan ang masamang karanasan
Habang buhay 'yan nand'yan, hindi ka niyan tatantanan
Sarili mo lang ang kakampi mo, oo, walang iba
Sa mundong 'to haharapin mo ang laban nang mag-isa
Oo mag-isa, noon pa man, gano'n naman, 'di ba?
Kapag meron ka lang, tyaka lamang nand'yad'yan sila
Para makahiram ng pera ang lakas pa mang uto
Sasabihin pang parang 'di naman tayo magkadugo
Kadugo!? 'Wag niyo naman sanang abusuhin
Porke kilala niyo 'ko na masyadong masunurin
Ayoko pa naman sa lahat mga mangagamit
Hindi ko namalayan, ako na pala nagamit
Pero gano'n pa man, kahit sobrang galit ako
'Di ko pa rin makayanan na ipagpalit kayo
Dahil isa lang ang mundo bali-baliktarin man 'to
Kayo pa rin at ako, pamilya ko pa rin kayo
[Chorus: Emjhay]
Kahit parang ako lang ang may pasan nito
Pipilitin ko pa ring kayanin 'to
Sana'y mahalin niyo rin ako, woah
Lahat ay gagawin ko, ooh, para sa inyo
Kahit parang ako lang ang may pasan nito
Pipilitin ko pa ring kayanin 'to
Sana'y mahalin niyo rin ako, woah
Lahat ay gagawin ko, ooh, para sa inyo