Nicanor Abelardo
Mutya ng Pasig
Kung gabing ang buwan
Sa langit ay nakadungaw;
Tila ginigising ng habagat
Sa kanyang pagtulog sa tubig;
Ang isang larawang puti at busilak
Nalugay ang buhok na animo'y agos;
Ito ang Mutya ng Pasig
Ito ang Mutya ng Pasig
Sa kanyang pagsiklot
Sa maputing bula
Kasabay ang awit
Kasabay ang tula:
Dati akong paraluman
Sa kaharian ng pag-ibig
Ang pag-ibig ng mamatay
Naglaho rin ang kaharian
Ang lakas ko ay nalipat
Sa puso’t dibdib ng lahat;
Kung nais ninyong ako'y mabuhay
Pag-ibig ko'y inyong ibigay