Francisco Santiago
Madaling-Araw
[Verse 1]
Irog ko'y dinggin ang tibok ng puso
Sana'y damdamin hirap nang sumuyo
Manong, itunghay ang matang mapungay
Na siyang tanging ilaw ng buhay kong papanaw
Irog ko'y dinggin ang tibok ng puso
Sana'y damdamin hirap nang sumuyo
Manong, itunghay ang matang mapungay
Na siyang tanging ilaw ng buhay kong papanaw

[Verse 2]
Sa gitna ng karimlan, magmadaling-araw ka
At ako ay lawitan ng habag at pagsinta
Kung ako'y mamamatay sa lungkot nyaring buhay
Lumapit ka lang, lumapit ka lang at mabubuhay
Sa gitna ng karimlan, magmadaling-araw ka
At ako ay lawitan ng habag at pagsinta
Kung ako'y mamamatay sa lungkot nyaring buhay
Lumapit ka lang, lumapit ka lang at mabubuhay

[Verse 3]
At kung magkagayon mutya, mapalad na ang buhay ko
Magdaranas ako ng tuwa ng dahil sa iyo
Madaling araw ka sinta liwanag ko't tanglaw
Halina irog ko at mahalin mo ako
[Verse 4]
Mutya'y mapalad na ang buhay ko
Nang dahilan sa ganda mo
Liwayway ng puso ko't tanglaw
Halina irog ko at mahalin mo ako

[Outro]
Manungaw ka, liyag
Ilaw ko't pangarap
At madaling-araw na