Jason Marvin
Patawad, Paalam
[Verse 1: Moira Dela Torre, Argee Guerrero]
Nakatulong ba nung lumayo ako?
'Di ba 'yon naman ang 'yong ginusto?
Simula pa no'n, kahit hanggang ngayon
Lahat ng daan ay pabalik sa'yo
[Chorus: Both, Argee Guerrero, Moira Dela Torre]
Balang araw ay makikita mong
'Di kailangan lumayo
Kung paglisan lang ang paraan
Patawad, paalam
Kahit nasa'n ka man
[Verse 2: Argee Guerrero, Moira Dela Torre]
Nariyan pa ba ang pinangarap ko
Na aking tinalikuran para mabuo?
Bakit gano'n kahit sa'n lumingon
Lahat ng daan ay pabalik sa'yo?
[Chorus: Both, Argee Guerrero, Moira Dela Torre]
Balang araw ay makikita mong
'Di kailangan lumayo
Kung paglisan lang ang paraan
Patawad, paalam
Kahit nasa'n ka man
[Interlude: Moira Dela Torre]
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
[Bridge: Moira Dela Torre, Argee Guerrero, Both]
Nahanap nga sarili mo, nawala naman ako
Masisisisi mo pa ba kung ako'y sususuko na?
Hindi mo man mapakinggan ang aking mga dahilan
Maitatanggi mo bang mahal na mahal kita?
Sa aking paglayag tiyak ika'y masasaktan
Hangad ko'y maintindihan, 'di maintindihan
Na sa tamang panahon, hinding-hindi na iiwan
Kung 'yong pagbibigyan muli, 'di kayang pagbigyang muli
Kahit anong gawin, 'di na mababalik ang dati
Paalam, salamat, salamat sa lahat
[Outro: Both, Moira Dela Torre]
Balang araw ay makikita mo
'Di na sana lumayo ('Di ka sana lumayo)
Kung paglisan lang ang dahilan
Sa ating hangganan
Ikaw pa rin sana