鏡音レン (Kagamine Len)
Antidisestablishmentarianism
[Verse 1]
Mabilis akong mag-ulat
Huwag ka sanang magugulat
'Tagapagsalita' ang tungkulin ko sa masa

Hatid ko ay balita;
"Sumunod na kayo sa wika!
Manahimik, bihag ka-
Nasa akin ang 'yong dila!"

[Verse 2]
Nagsasawa na ako sa kanonood sa inyong mukhang-
Mukhang wala pa 'ring pinagbabago
Kung makapagsalita kala mo'y walang-hiya-
Hinay-hinay dahil sanay kami sa away

[Verse 3]
Utak mo'y naiwan
Bago pa tuluyang nawasak ang lahat!
Ngayo'y tayo'y damay-damay
Sa 'yong kahangalan

[Verse 4]
At-
PAMBIHIRA!
ANG LAKI MONG TANGA!
Ipaghahanda ka pa namin ng Tinola!
Lunurin natin silang lahat!

At-
PAMBIHIRA!
ANG LAKI MONG TANGA!
Ipaghahanda ka pa namin ng Tinola!
Lunurin natin silang lahat!

[Verse 5]
Nagsasawa ka na ba sa katatalak ng mga buwaya
At wala pa 'ring pinagbabago
Kung makapagsalita kala mo'y walang-hiya-
Hinay-hinay dahil sanay kami sa away!

[Verse 6]
Huwag niyo silang katakutan
Kayang-kaya nating wasakin ang lahat!
Ngayo'y pati sila'y madadamay
Sa kanilang kalapastanganan!
[Verse 7]
PAMBIHIRA!
ANG LAKI MONG TANGA!
Ipaghahanda ka pa namin ng Tinola!
Lunurin natin silang lahat!

PAMBIHIRA!
ANG LAKI MONG TANGA!
Ipaghahanda ka pa namin ng Tinola!
Lunurin natin silang lahat!

[Verse 8]
Mabilis akong mag-ulat
Huwag ka sanang magugulat
'Tagapagsalita' ang tungkulin ko sa masa