Arthur Nery
Segundo, Siguro
[Verse 1]
Yakap ka na lang 'pag aalis ka na
'Di na kailangan na pag-usapan pa
Kasi ibang daan ang 'yong nais na tahakin
Ang alam ko ay 'yung sa'tin lang
Kahit sa pagbitiw, ang pakiramdam ko'y
Gumagaan sa init ng bawat segundo
Siguro ay nag-aalinlangan ka pang umalis

[Chorus]
Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Oh, pa'no na lang?)
Sinong sisihin kung wala rin namang kausap? (Sayang)
Dati na 'kong pinangakuan

[Post-Chorus]
Hindi na dapat 'to nakakapanibago
Meron na sanang patutunguhan
Kung sinasabi mo lahat ng 'yong hinanakit
Oh, hindi naman yata 'to patas
Na ang tangi kong pinapapasok sa aking puso'y
Nagmamahal sa labas, sa labas

[Verse 2]
May iba ka na ba?
'Wag mo na munang isipin 'yung atin
Kung tayo talaga
Pipiliin pa rin kita
At kahit magdamagan ako maghihintay
Tayo lang, ah
[Chorus]
Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Oh, pa'no na lang?)
Sinong sisihin kung wala rin namang kausap? (Sayang)
Dati na 'kong pinangakuan
Sa kahel na kalangitan
Ako ba ang uuwian mo? Oh
Ooh
Oh

[Bridge]
Takipsilim na naman
'Yung kapiling mo ay lihim mo na pinipili mula noon
Sa'n na ako? Oh, maghihintay sa'yo
Sa nakaraang 'di buo o sa 'di kasiguraduhang dulo

[Chorus]
Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Oh, pa'no na lang?)
Sinong sisihin kung wala rin namang kausap? (Sayang)
Dati na 'kong pinangakuan
Alam ko, oh, alam ko, oh
Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Oh, pa'no na lang?)
Sinong sisihin kung wala rin namang kausap? (Sayang)
Dati na 'kong pinangakuan

[Outro]
Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Oh, pa'no na lang?)
Sinong sisihin kung wala rin namang kausap? (Sayang)
Dati na 'kong pinangakuan