Zephanie & Ebe Dancel
Bawat Daan
[Verse 1: Zephanie]
Sa pagkumpas ng iyong kamay
Aking landas, ginagabay
Nag-iisang tiyak sa isang libong duda
Silong sa iyak at pagluluksa

[Refrain: Zephanie]
Kung puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo, gitna't simula
Nahanap din kita
Nahanap din kita, oh

[Pre-Chorus: Zephanie]
Maligaw man at mawala
At umikot man sa kawalan
Sa bawat kailan, sino't saan
Ikaw lamang ang kasagutan

[Chorus: Zephanie]
Bawat kanan at kaliwa
Kung timog man o hilaga
Ang bawat daan ko
Ay patungo, ay pabalik sa'yo

[Verse 2: Both]
Kay tagal nang lumulutang
Walang pupuntahan, walang dahilan
Parang ulap na, walang dalang ulan
Kamang walang kumot at unan
[Refrain: Both, Zephanie, Ebe Dancel]
Bihag ako ng pagtataka
May saysay ba ang paglalakbay ngunit
Nahanap din kita (Kay tagal kong naghintay)
Nahanap kita, oh-oh (Kay tagal kong naghintay)

[Pre-Chorus: Both]
Maligaw man at mawala
O umikot man sa kawalan
Dahil sa bawat kailan, sino't saan
Ikaw lamang ang kasagutan

[Chorus: Zephanie, Ebe Dancel, Both]
Bawat kanan at kaliwa (Kay tagal kong naghintay)
Kung timog man o hilaga (Kay tagal kong naghintay)
Ang bawat daan ko
Ay patungo, ay pabalik (Ay patungo, pabalik) sa'yo
Oh, whoa, sa iyo, oh
Ikaw ang dulo (Nagbabalik sa'yo)
Oh, whoa, oh, whoa

[Outro: Both, Zephanie, Ebe Dancel]
Kung ang puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo, ang gitna't simula
Oh, woah, oh (Oh, whoa)
Ikaw
Ikaw (Ikaw)