Magnus Haven
Kapalmuks
Sa aming bayan, may naghahari-harian
Susme, mga arogante't sisiga-sigaan
Mga hunyango kapag kailangan
Sila ang dahilan kung ba't gutom ang karamihan

'Pag nagsalita sila hangin ang laman
Mga pangakong nakakasuya pakinggan
Akala mo sila'y tagapagligtas na santo
Pero sinasamba nila'y nasa impyerno

Hoy, alam n'yo kung sino kayo
Ang kapal ng apog nyo
(Mga kapalmuks!)
Mahiya kayo, bakit ang yayabang n'yo?
Diyos-diyosan kayo dito sa bayan ko

Sa aming bayan, peke lang ang kalayaan
Ang batas ay para lang sa may pera't kapangyarihan
Kapag may pumalag sa kalokohan
Siguradong siya ay paglalamayan

Hoy, alam n'yo kung sino kayo
Ang kapal ng apog nyo
(Mga kapalmuks!)
Mahiya kayo, bakit ang yayabang n'yo?
Diyos-diyosan kayo dito sa bayan ko
Mga palad na nakabukas, nag-aantay ng padulas
Sa halagang 500, isang libo pataas
Ang mga kabataan, binebenta'ng dangal at karapatan
Sa bayan kong sinilangan, mura lang ang kapangyarihan
Sa mga kurakot, mga hayop na walang katakut-takot
Na binubulsa ang yaman na pinagpaguran
Ng taong bayan, kumakayod para lang 'di malipasan
Mga walang silbi, ang kakapal ng inyong mukha

Mahiya kayo, bakit ang yayabang n'yo?
Diyos-diyosan kayo dito sa bayan ko

Ohh-ohh-ohh-ohh
Ohh-ohh-ohh-ohh
Kawawang bayan na ginawang gatasan ng mga ganid at magnanakaw
Paano uusad kung ang yama'y tuloy-tuloy sa bulsa ng punong kurakot
Na sanay na sanay gahasai't simutin ang kaban ng bayan
Hoy, mga buhay pa kayo pero sinusunog na kayo

Mga kapalmuks
Kapalmuks, kapalmuks
Kapalmuks, kapalmuks
Kapalmuks, kapalmuks
Kapalmuks