Vic Desucatan
Manok Na Pula
Napadaan sa sabungan
May nagsisigawan noong aking tingnan
Manok na pula, mukhang matapang

Ang pera ni misis na dapat
Ay ihulog ko sana sa Palawan

Aking pinusta sa manok na pula
Mukhang tatama 'yan

Nagsimula ang salpukanm manok na pula
Biglang tinamaan, nag-gewang-gewang
Sa isang iglap lang, ako'y kinabahan

'Di nakatayo, patay napuruhan
Ang perang hulog sa Palawan
Tinalo ko sa sabungan

Noong umuwi sa may bahay
Ako ay matamlay

Ako'y nagsisi, ubos ang money
Darling, I'm sorry

Ako'y hinoldap nang tatlong lalake
Doon banda sa may palengke
Pero ang misis ko
Hindi maloko, kinarate ako

Basag-basag ang mukha ko
Ang darling ko
Ay magaling pala siya sa taekwando
Lahat ng sipa nya ay sinapol ako

Dati rin pala siyang kampyon sa aykido
Sa sobrang galit ng misis ko
Bali-bali ang tul.ang ko

Ang perang dapat sa anak ko
At tinalo ko, naakit ako
Ng gagong demonyo

Kaya kinastigo ako ng darling ko
Nang dahil sa sugal, napahamak ako

Kaya kayong mga sabungero
'Wag mag-asawang tsampyon sa judo