Jom
Buti Ka Pa Masaya Ka Na
[Verse 1: Jom]
Lagi na lang nag-aabang sa iyong pagdating
Ikaw pa rin ang reyna ko at tangi kong hiling
Sa'yo ko lang 'yon nadama, ang hirap nang gawin
Bumalik sa dating tayo at muli kong damahin
Pagmamahal mong inalay para sa'kin
Kung inalagaan ko siguro'y nasa akin
'Di ko sinasadya na ito pa ay sayangin
Kung tayo ay magkita, lalapit ka ba sa'kin
Kahit na ngayon tila ba 'di mo na ako kilala
Alaala mo sa akin ay nananatiling masaya
Sa imahinasyon na lang kita nakakasama pa
Dahil alam ko na malabo kang bumitaw sa kanya
Buti ka pa 'di mo na inaalala ang mga nangyari
Sa'ting dalawa, sa'ting dalawa

[Chorus: Jom]
Kung meron mang isang hiling
'Yun ay ang makapiling ka
'Di na 'ko gumaling
Simula nung nawala ka
Buti ka pa masaya ka na
Habang ako ay pinagsisisihan ka

[Post-Chorus: Jom]
Kitang-kita kong masaya ka sa kanya
Mukhang 'di mo na ako hinahanap-hanap pa
Pero andito lang ako kung iwanan ka man niya
Handa pa rin naman akong ipaglaban ka

[Verse 2: Crakky]
Buti ka pa ngayon nakangiti
Maligaya sa'yong desisyong talikuran ako
Habang ako ito hindi mabuo
Sapagkat alam ko na may kulang ako
Buti ka pa wala na sa'yo
Buti ka pa meron nang totoo sa'yo na nagmamahal
Kahit dapat talaga iyan ay ikaw lang at ako
Wasak na wasak, wasak na wasak
Ilang alak na rin 'yung naubos sa kada gabi kong iyak
Alam kong basag pa rin naman 'yan
Kahit tama ng alak maubos lahat
Puno ng saya sa'yong mga mata
Habang ang iyong kamay ay nasa kanya na
Hindi ko makayang makita kita
Makita kitang hawak na ng iba
Papa'no kita mababawi kung kahit pangalan ko
Ay nalimutan mo na at 'di mo na rin maalala
Kung pa'no kita surpresahin at mag-abala
Paano kaya ngayon, alam ko na ito ay huli na
'Di mo na rin magawa na gawing ako ay alahanin mo pa
Sana ako na lang 'yung katabi mo ngayon
Kasabay mong matulog hanggang sa bumangon
Hindi na lang sana 'ko nagpatangay
Makipaghiwalay pa sa'yo noon
Kaso huli na para pa pagsisihan
Kasi ngayon ay maligaya ka na
Oo masaya 'yun nga lang 'di sa'kin
Kung 'di sa iba, kung 'di sa iba
[Chorus: Jom]
Kung meron mang isang hiling
'Yun ay ang makapiling ka
'Di na 'ko gumaling
Simula nung nawala ka
Buti ka pa masaya ka na
Habang ako ay pinagsisisihan ka

[Post-Chorus: Jom]
Kitang-kita kong masaya ka sa kanya
Mukhang 'di mo na ako hinahanap-hanap pa
Pero andito lang ako kung iwanan ka man niya
Handa pa rin naman akong ipaglaban ka