MC Einstein
Last
[Verse 1]
'Eto na naman ako
Nanghihingi ulit ng tawad mo (You know what I mean?)
Alam kong 'di ka na naaawa sa'kin
Kasi paulit-ulit na lang lagi
Oh! Parati na lang akong may mali
Nahihiya na nga 'kong magpakita
At ayokong palagi na lang nakakasakit (Palagi na lang nakakasakit)
Ayaw kitang makitang nanghihina at ayoko 'tong masira

[Chorus]
Kaya pa bang 'pagbigyan (Kaya pa bang pagbigyan?)
Ang mga kasalanan ko? (Kasalanan ko)
Kaya pa bang mapatawad (patawad) kahit pang-ilan na 'to?
Sana, 'di pa nagsasawa, sana 'di ka nagsasawa
Ang huling pakiusap ko lang sana mapatawad pa
Kung mapapagbigyan mo

[Verse 2]
Kasi 'eto na naman ako
Nag-iisip ng sasabihin sa iyo
Nakakailang mga dahilan na ba?
Hanggang kailan may babalikan? (oh)
'Di kita masisi kung pagod ka na't gustong sumuko
Hindi ko alam kung kelan ba 'ko matututo
Kahit sa sarili ko'y nangako, susubukan ko kahit papa'no
Sabi ko ako ay magbabago para sa'yo (Oh)
[Chorus]
Kaya pa bang 'pagbigyan ang mga kasalanan ko?
(Kaya pa ba? Mga kasalanan ko?)
Kaya pa bang mapatawad kahit pang-ilan na 'to? (Yeah)
Sana, 'di pa nagsasawa (Oh) sana 'di ka nagsasawa
Ang huling pakiusap ko lang sana mapatawad pa (Mapatawad pa)
Kung mapapag— woo
Kaya pa bang 'pagbigyan ang mga kasalanan ko?
(Kaya pa ba? Mga kasalanan ko?)
Kaya pa bang mapatawad kahit pang-ilan na 'to? (Yeah)
Sana, 'di pa nagsasawa (Oh) sana 'di ka nagsasawa
Ang huling pakiusap ko lang sana mapatawad pa
Kung mapapagbigyan mo

[Outro]
Oh-oh-oh-oh, oh
Oh-oh-oh-oh, oh-oh-oh-oh, oh
Kung mapapagbigyan mo
Kasi 'eto na naman ako, kasi 'eto na naman ako