Cup of Joe
Silakbo
[Intro]
Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo

[Verse 1]
Magpapalunod ba sa dilim
O titingin sa mga bituin?
Tutulugan ang gabi o ito'y aangkinin?
Ipapabukas ko na lang ba ulit?
Siya na lang bang magdidikta
Ng aking pulso at paghinga?
'Di alam ang gagawin, gulo ba'y haharapin
Tatakbo o dapat bang tiisin?

[Pre-Chorus]
Dahan-dahang kumawala
Sa kapit na dinadala
'Di na magpapaakit pa
Sa kapit ng 'yong mata

[Chorus]
Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo
[Verse 2]
Naaarawan na ang sakit
Umagang tila nanlalambing
Ako'y babangon na muli nang hindi nakapikit
Tumatamis na ang lahat ng pait

[Pre-Chorus]
Dahan-dahang kumawala
Sa kapit na dinadala
'Di na magpapaakit pa
Sa kapit ng iyong mata

[Chorus]
Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo

[Post-Chorus]
Oh-oh
Oh-oh
'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo

[Bridge]
Mga silid sa bahay ng ating damdamin
'Di na muling papatinag sa dilim
Lalakasan ang himig ng mga salamin
Palayain mga sigaw sa dingding
[Chorus]
Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo

[Post-Chorus]
Oh-oh
Oh-oh
'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos
'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo