Bandang Lapis
Kabilang Buhay
[Verse 1]
Masasayang mga araw na kasama kita
Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa
Punong-puno ng ligaya ang ating pagsasama
Na parang wala nang sisira ng lahat

[Pre-Chorus]
Bakit pa dumating ang oras na ito?
Nabalitaan ko na wala ka na

[Chorus]
Hindi ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan?
Hindi papabayaan na ako'y mag-isa?
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nand'yan sa kabilang buhay?

[Verse 2]
Paano na ang lahat? Paano na ako, tayo?
'Di ba't sinabi mo sa akin na sabay tayong mangangarap?
Bakit bigla kang lumisan nang hindi man lang nagpaalam?

[Pre-Chorus]
Isang malamig na hangin ang yumakap sa akin
Parang isang pahiwatig na magpapaalam ka na

[Chorus]
Hindi ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan?
Hindi papabayaan na ako'y mag-isa?
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nand'yan sa kabilang buhay?
[Instrumental Bridge]

[Chorus]
Hindi ba't sabi mo hindi mo 'ko iiwan?
(Sa kabilang buhay)
Hindi papabayaan na ako'y mag-isa?
(Sa kabilang buhay)
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
(Sa kabilang buhay)
Bakit bigla ka na lang nand'yan sa kabilang buhay?

[Outro]
Sa kabilang buhay