Bandang Lapis
Kung San Ka Masaya
[Verse 1]
Nawala ang lahat nung ika'y biglang lumisan
Nung pinasok mo ang tahanang puno ng laro
Bakit ka nagmahal ng 'di naman dapat?
Hindi mo ba naiisip na tayo pa ring dalawa?
[Pre-Chorus]
Pero okay lang naman
Kung sa'n ka masaya
Nandito pa rin naman ako
Kahit nasasaktan
[Chorus]
Sa TV na lang pala kita
Makikitang masaya sa piling ng iba
Titiisin ko lahat ng sakit
Basta para sa'yo kung sa'n ka masaya
[Verse 2]
Bakit mo pinagpalit ang matagal nating pagsasama?
Sa ilang araw mo lang naman nakilala
Naniwala ako sa lahat ng 'yong sinabi
Na ako lang ang mamahalin mo't wala nang iba
[Pre-Chorus]
Pero okay lang naman
Kung sa'n ka masaya
Nandito pa rin naman ako
Kahit nasasaktan
[Chorus]
Sa TV na lang pala kita
Makikitang masaya sa piling ng iba
Titiisin ko lahat ng sakit
Basta para sa'yo kung sa'n ka masaya, woah-oh-oh
[Bridge]
Wala na akong ibang hiling kundi ang lumigaya ka
At matupad mo ang 'yong mga pangarap sa buhay
Lagi mong tatandaan ang sinambit ko sa'yo
Na 'pag pumasok ka d'yan ay paglabas mo'y
Mahal pa rin kita
[Chorus]
Sa TV na lang pala kita
Makikitang masaya sa piling ng iba
Titiisin ko lahat ng sakit
Basta para sa'yo kung sa'n ka masaya
[Outro]
Susuportahan kita
Kung sa kaniya ka masaya